Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 bombero utas sa lover’s quarrel (Bebot kritikal)

2 bombero utas sa lover’s quarrel (Bebot kritikal)

PATAY ang dalawang bombero sa pamamaril bunsod ng pag-aaway ng magkasintahan sa Brgy. Tagumpay, bayan ng Orani sa lalawigan ng Bataan kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Orani Municipal Police, binaril ni SFO2 Charlie Mendoza, 52, ang kanyang kasintahan na si Arlyn Lopez, 47, ng anim na beses sa iba’t ibang bahagi ng katawan makaraan ang pagtatalo habang nag-iinoman sa apartment unit ni F02 Enrico Caraan, 44-anyos.

READ MORE:  Putol na binti ng tao itinapon sa basurahan
READ MORE:  Pagkiling sa NPA minana ni Digong kay Nanay Soling

Tinangka ni Caraan na awatin si Mendoza ngunit dalawang beses din siyang binaril ng suspek.

Pagkaraan ay pinaputukan din ng suspek ang kanyang dibdib.

READ MORE:  Amasona barilin sa vagina (Muling pang-uuyam ni Digong)

Isinugod ng nagrespondeng mga awtoridad ang tatlo sa Orani District Hospital ngunit idineklarang dead on arrival sina Mendoza at Caraan.

Kritikal naman ang kalagayan ni Lopez na inilipat sa Bataan General Hospital. (HNT)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved