Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Patong sa ulo ni Delfin Lee dagdagan!

Patong sa ulo ni Delfin Lee dagdagan!

00 Bulabugin

ISA sa magandang bagay na ginawa ni Pangulong Benigno S. Aquino sa kaso ni Janet Lim Napoles ay nang taasan niya ang PABUYA para sa makapagbibigay ng impormasyon kung saan nagtatago ang P10-billion pork barrel scam queen.

Sana ay ganoon din ang gawin ni PNoy sa kaso ng isa pang mandarambong na si DELFIN LEE, ang may-ari ng Globe Asiatique na nanggoyo at nagnakaw ng account ng Pag-IBIG members na ginamit nila sa pangungutang para magkamal nang malaking kwarta sa REAL ESTATE projects nila.

Hindi ba wala rin kapantay ang kawalanghiyaan ng grupo ni Delfin Lee na ginamit ang account ng mga manggagawa, empleyado at overseas Filipino workers (FWs) na Pag-IBIG members na hindi naman kumuha ng bahay sa kanila pero nagamit nila sa paglo-LOAN sa Pag-IBIG Funds?!

Sabi nga ni PNOY, saan KUMUHA ng KAPAL ng MUKHA si Delfin Lee?!

Ibalik po natin ang tanong sa Palasyo at kay VP Jojo Binay… saan po ba humihiram ng kapal ng mukha ang mga taga-Palasyo, bakit hinahayaan lang nilang pagala-gala at nakapamumuhay pa rin na parang hari ang isang gaya ni Delfin Lee?

ALAM na natin ang solusyon Mr. President!

Itaas ang patong sa kanilang mga ulo para magsilutang na sila, lalo na para sa ulo ni DELFIN LEE!

Ngayon na, PNOY!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved