Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Untouchable illegal terminal sa Intramuros namamayagpag ( May tongpats sa MPD-TEU at MTPB!?)

Untouchable illegal terminal sa Intramuros namamayagpag ( May tongpats sa MPD-TEU at MTPB!?)

00 Bulabugin
MALIWANAG pa sa sikat ng araw na tila ‘WALANG SINASANTO’ at lalong ‘WALANG KINATATAKUTAN’ ang ‘NANGANGALAGA’ sa illegal terminal d’yan sa kanto ng P. Burgos Avenue at Anda St., sa Intramuros, Manila.

Ang pagkakaalam natin, ‘ipinalinis’ ni Traffic azar éste’ czar, Vice Mayor Isko Moreno ang mga illegal terminal sa buong Maynila.

‘Yan daw ay bilang bahagi ng kanyang layunin na paluwagin ang trapiko sa Maynila.

Ang una nga niyang inupakan ay ang pagbabawal na makapasok ang mga bus sa Maynila lalo na ‘yung mga walang mapaparadahang terminal.

READ MORE:  Jueteng War ba ang dahilan ng kamatayan ni Marikina ex-Konsi Elmer Nepo?

At ang isa sa naging sentro ng kanyang paglilinis ay ang Liwasang Bonifacio at Plaza Lawton.

Kaya naman nagulat tayo nang maispatan natin ang illegal terminal na naririyan lang pala mismo sa bungad ng Collegio de San Juan de Letran sa Intramuros na protektado umano ng isang LETTY ARINOLA, isang alyas ARNEL KAMOTE at isang LEVI walang-SILBE-RYO.

Kung dati ay hindi namomroblema ang mga estudyante sa kanilang paglalakad papasok d’yan sa Muralla St., ang university belt ng Intramuros, ngayon ay lalo pang lumiit ang kanilang daanan dahil sa illegal terminal na umaabot pa hanggang sa harap ng 7/11.

READ MORE:  Confirmation ni DENR Secretary Gina Lopez dinayo ng sandamakmak na oppositors

Sa nasabing lugar ay makikita ang mga UV Express na may biyaheng Sucat-Lawton at ang mga pedicab na basta na lang inihahambalang ang kanilang sasakyan sa nasabing kalye.

Pero ang ipinagtataka natin bakit tila ‘INVISIBLE’ sa paningin ni Chief Inspector OLIVE SAGAYSAY ng Manila Traffic Enforcement Unit ang nasabing illegal terminal?!

May taga-bulag pa sina Letty Arinola, isang alyas Arnel Kamote at isang Levy walang silbe-ryo kaya ni hindi napapansin ni Major Sagaysay  ang sandamamak na UV Express d’yan sa P. Burgos Ave., at Anda St.?

READ MORE:  Abusadong Koreano sa Aklan pasikatin!

Ano kayang taga-bulag ang ginagamit ng tatlong protektor ng illegal terminal  na sina Letty Arinola, alyas Arnel Kamote at isang Levy walang silbe-ryo para kay Major Saysay ‘este’ Sagaysay?

Madulas na madulas ‘yata yang pampadulas na ‘yan ano, Major Sagaysay?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved