Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / PNP pinosasan ang Judiciary (1ST UNTV Cup)

PNP pinosasan ang Judiciary (1ST UNTV Cup)

PINAPUTUKAN ng Philippine National Police (PNP) ang Judiciary upang posasan ang 92-89 come-from-behind overtime win sa nagaganap na 1st UNTV Cup sa Pasig Sports Center, Pasig City.

Tumikada ang dating UAAP standout na si Olan Omiping ng 38 points, 22 dito ay iniskor niya sa fourth at sa overtime periods habang sina Jamnes Tacsay, Jay Misola at Japhet Cabahug ay tumulong din sa opensa para ilista ang league-best 4-0 record at siguruhin ang pagsampa sa semifinals.

Nagtulong sina Tacsay at Misola na bantayan ang 6’6″ at former PBA player Don Camaso na umiskor din ng 38 points at may kasamang 18 rebounds, upang palamigin ito sa huling dalawang quarters.

Sinalpak ni Cabahug ang dalawang free-throws upang maka-puwersa ng extra period, 78-all at nakumpleto nito ang kanyang kabayanihan nang supalpalin ang 3-point attempt ni John Herbert Bergonio.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved