Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Barbosa bumawi sa Mindanao Open

Barbosa bumawi sa Mindanao Open

MATAPOS mabigo sa katatapos na 2013 World Chess Cup na ginanap sa Tromso Norway, bumangon bigla si Pinoy GM Oliver Barbosa upang sungkitin ang titulo sa 2013 Gov. Emmylou “Lala” Tolentino-Mendoza 3rd Mindanao Open Chess Championship kamakalawa.

Pinisak ni top seed Barbosa (elo 2571) si IM Kim Steven Yap (2417) sa ninth at final round upang ilista ang walong puntos sa event na ipinatupad ang nine rounds swiss system na nilaro sa Kidapawan City Cotabato.

READ MORE:  Bryant, angat pa rin kay James (Para kay Jordan)

Si Le na isang super GM dahil sa elo rating nito na 2712 ay tinalo si Barbosa sa first round.

READ MORE: 

Si GM Mark Paragua (elo 25465) na isa ring world cup campaigner ay kapareho ng puntos na naitala ni GM John Paul Gomez (elo 2520) subalit tinanghal na second place ang huli dahil sa mataas na tie-break points.

Tinalo nina Gomez at Paragua sa last round sina Janalan Marohomsalic at IM Oliver Dimakiling (elo 2369) ayon sa pagkakasunod upang itala ang 7.5 pts.

READ MORE:  Pinoy weightlifters humakot ng medalya sa Indonesia

Lumanding sa pang-apat na puwesto si Dimakiling na may 6.5 puntos kapareho ng iskor nina fifth placer IM Ronald Dableo (elo 2417) at GM Darwin Laylo (elo 2499).

(ARABELA PRINCESS DAWA)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved