Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / 1602 live na live sa Pasay City! (Attention: NCRPO chief Gen. Marcelo Garbo) 1602 LIVE NA LIVE SA PASAY CITY! (ATTENTION: NCRPO chief Gen. Marcelo Garbo)

1602 live na live sa Pasay City! (Attention: NCRPO chief Gen. Marcelo Garbo) 1602 LIVE NA LIVE SA PASAY CITY! (ATTENTION: NCRPO chief Gen. Marcelo Garbo)

00 Bulabugin

IBANG klase talaga ang Pasay City.

Maraming naghahari-harian. Katunayan pati ang 1602 sa nasabing lungsod ay may bagong tatlong hari ngayon.

Kabilang nga sa mga lumutang na pangalan ngayon ay sina alyas PRINCE, ex-kaplog. LITO at isa pang alyas BRIAN.

Kumbaga bago na naman ang boss ng mga kabong sina Ruben, Roger Palengke sa Dolores area, Jing, Romy Banarez, Aling Che, isang alyas Dennis sa Nichols area, Ronald Labo, Logi, Aling Baby, Juancho sa Leve-riza area, at alyas Romy sa Facundo area.

READ MORE:  Anak ng Makati Police notoryus na trigger happy?!

Ang lotteng, EZ2, ending at bookies ng karera ay MILYON-MIL-YONES ang hatag kada buwan.

Southern Police District director, Chief Supt. Jose Erwin Villacorte baka gusto mong ipasuyod ang Taft-Villaruel, Tramo-Flores, P. Dandan- Tramo, Villanueva-Burgos, Tengco-Tramo, Sto. Niño-Taft- Tramo, Manguat-Lucban, at Taft-Inocencio-Aurora.

Ang balita natin, bago pa rumatsada ang bagyong Maring kasabay ng hanging habagat, ‘e binagyo ng pakilala ‘este’ raid ng SPD District Special Operation Unit (DSOU) ang dalawang pwesto ng bookies ng karera sa Salud at Leveriza St., sa Pasay City.

READ MORE:  Konseho ng Maynila nagkakagulo sa P14-Bilyong budget?

NCRPO chief. Dir. Gen. Marcelo Garbo, mukhang tutulog-tulog lang sa pansitan ang bata mong si S/Supt. Rodolfo Llorca d’yan sa Pasay City.

Mukhang enjoy na enjoy siya d’yan sa lungsod na tinaguriang ‘SIN CITY’ at may slogan na “the fun begins here.”

Sa Pasay City, they’ve got it all. Name it and they have it … illegal terminal, illegal vendors, ‘kakaibang’ sauna bath, casino, motel and beerhouses na mayroong cubicle, saklang patay, saklang puesto pijo, at mga video karera ni BOY ALASAR.

READ MORE:  ‘Celebrity-mentality’ ng bodyguards ni Korean actor Kim Soo Hyun dapat bigyan ng aral!

General Villacorte, General Garbo, ano po ang masasabi ninyo kay Kernel Llorca?!

 

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved