Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / NBI ‘nawasak’ kay P10-B Pork Barrel Queen Janet Lim Napoles

NBI ‘nawasak’ kay P10-B Pork Barrel Queen Janet Lim Napoles

00 Bulabugin

NGAYON po ay aktuwal na nating nakikita ang impact at chain reaction ng ginawang pagtanggap ni Pangulong Benigno S. Aquino kay P10-billion pork barrel queen Janet Lim Napoles nang sumuko sa Malacañang.

Imbes i-RECTIFY ni NOYNOY ang ginawa niyang insulto sa sambayanan nang harapin niya ang isang gaya ni Napoles  sa Malacañang ay SINUHAYAN pa niya ang kabastusang ito ng pag-upasala at panliliit sa ahensiya (National Bureau of Investigation)  na una nang nag-iimbestiga sa bilyon-bilyong pisong pork barrel na ibinulsa (ninakaw) ni Napoles kasabwat ang ilang tulisang senador at kongresista.

Mabuti na lamang at mayroong DELICADEZA si NBI Director Nonnatus Ceasar Rojas kaya agad siyang naghain ng irrevocable resignation matapos ihayag ng Pangulo na mayroon daw “less trustworthy officials” sa NBI.

Ikinatwiran kasi ng Pangulo na kaya niya idineretso si Napoles sa CIDG sa Camp Crame dahil mayroon daw nag-leak ng pag-aresto (sana) nang lumabas ang warrant of arrest ni Ma’m Janet ( tawag ni Sec. Mar kay Napoles).

Dalawang opisyal din umano ng NBI ang malapit sa dalawang Senador na isinasangkot sa P10-billion pork barrel scam.

Tsk tsk tsk …

Mukhang nagtagumpay ang ‘spin doctor’ ni NAPOLES na gibain ang ahensiyang nag-iimbestiga sa hawak nilang 10 whistleblowers na nagdetalye kung paano nag-o-operate ang kanyang ‘non-government organizations (NGOs) para limasin ang pork barrel ng mga mambabatas patungo sa kani-kanilang bulsa.

Sa huling ulat, naghain na rin ng “courtesy resignation” si Deputy Director Edmund Arugay.

Ito ay kaugnay ng pahayag ni Justice Secretary Leila De Lima na imbes si NBI Director Rojas ang mag-resign, dapat umano ay ang tatlo o apat na deputy directors na palagiang nasasangkot sa eskandalo ang maghain ng pagbibitiw.

Ang pagbibitiw ni Rojas, at ng iba pang deputy director ng NBI ay naganap sa panahon na naghahanda ang ahensiya para ihain ang mga kaukulang kaso laban kay Napoles at sa kanyang mga kasabwat kaugnay ng P10-billion pork barrel scam.

Kung mabibigo ang NBI sa pangunguna ni Director Rojas na maihatid ang katarungan sa mamamayan … ito lang ang masasabi ko …

Congrats JANET LIM NAPOLES …money really talks!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved