Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Jeep swak sa bangin 2 patay, 3 sugatan

Jeep swak sa bangin 2 patay, 3 sugatan

LAGUNA – Dalawa katao ang patay habang sugatang isinugod sa Laguna Provincial Hospital ang driver at dalawang pasahero makaraang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang pampasaherong jeep sa bahagi ng Provincial Road, Brgy. Pinagsanjan, bayan ng Pagsanjan sa lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

READ MORE:  4 barangay chairmen inasunto ng MMDA (Creek marumi na barado pa)

Kinilala ni Pagsanjan Police chief, Senior Insp. Henry Villagonzalo ang mga namatay na sina Daniel Alano Francisco, 30, at John Nicco Villanueva, 22, habang sugatan naman ang driver na si Edelberto Galay, 34, ang at ang mag-inang pasahero na sina Amparo Villanueva, 48, at Norjay Villanueva, 21, pawang mga residente ng Brgy. Umboy at Patimbao, bayan ng Sta. Cruz sa Laguna.

READ MORE:  90,000 PCOS ibebenta ng Comelec (Kahit may nakabinbing election protests)
READ MORE:  2 patay, 4 sugatan sa barilan sa Masbate

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 7:50 p.m. patungo ang naturang jeep (CWE-418) sa bayan ng Pagsanjan mula sa bayan ng Cavinti nang mawalan ng preno ang sasakyan at nahulog sa bangin.

(BOY PALATINO)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved