Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Hilahan sa hulihan (Ginebra vs Air 21)

Hilahan sa hulihan (Ginebra vs Air 21)

Pipilitin ng Barangay Ginebra San Miguel at Air 21 na makaahon buhat sa dulo ng standings sa kanilang pagkikita sa 2013 PBA Governors Cup mamayang 7:30 pm sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Sa unang laro sa ganap na 5:15 pm ay magtutuos naman ang Global Port at SanMig Coffee.

Ang apat na koponang ito ay pawang galing sa pagkatalo sa kani-kanilang huling laro.

Ang Gin Kings ay nakaranas ng back-to-back na kabiguan buhat sa Barako Bull (104-91) at Alaska Milk (102-99). Tabla sila ng San Mig Coffee sa record na 1-3. Nangungulelat naman ang Air 21 sa kartang 1-4.

Kaya naman kinakailangan ng mga koponang ito na makabangon upang makaiwas sa maagang bakasyon. Sa ilalim ng tournament format, dalawang koponan ang tuluyang malalaglag pagkatapos ng maikling nine-game eliminations.

Kinakailangang buhatin ng mga imports na sina Dior Lowhorn ng Barangay Ginebra at Zach Graham ng Air21 ang kani-kanilang team upang mapanatili ang kanilang trabaho.

Kulang ng isang big man ang Gin Kings sa dahilang nagtamo ng sprained MCL si Japeth Aguilar sa laro kontra Barako Bull. Ang kanyang pagkawala ang pilit na pupunan nina reigning MVP Mark Caguioa, LA Tenorio, Chris Ellis at Jayjay Helterbrand.

Bagamat matinding iskorer si Graham ay kinakailangang makakuha siya ng magandang suporta buhat sa mga tulad nina Nino Canaleta, Mike Cortez at Mark Isip.

Ang Global Port ay bumagsak sa 2-2 matapos matalo sa Talk N’ Text, 102-95.

Ang Batang Pier ay pinamumunuan ni Markeith Cummings na makakaduwelo ni Marcus Blakely ng San Mig Coffee.

Sa local marquee match-up naman ay magduduwelo sina Willie Miller at James Yap, dalawang dating two-time Most Valuable Player awardees.

Si Miller ay sinusuportahan nina Solomon Mercado, Jay Washington at Gilas Pilipinas member Gary David, samantalang si Yap ay tutulungan nina Peter June Simon, Joe DeVance at isa pang Smart Gilas cager na si Marc Pingris.

(SABRINA PASCUA)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved