Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Cristine Reyes at Derek Ramsay na-develop after “No Other Woman” (Noon pa magsiyota!)

Cristine Reyes at Derek Ramsay na-develop after “No Other Woman” (Noon pa magsiyota!)

SABI ng ating source, walang kinalaman si Derek Ramsay sa hiwalayang Cristine Reyes at Rayver Cruz.

Noong pumasok kasi si Derek sa buhay ni Cristine ay talagang nagkakalabuan na raw ang young sexy actress at ex na si Rayver.

Aminado naman raw ang hunk actor na tinamaan na siya noon pa kay Cristine nang magkasama sila sa pelikulang “No Other Woman.” At pagkatapos gawin ng dalawa ang movie na tumabo nang husto sa takilya ay na-develop na sila at nag-umpisa nang manligaw si Derek kay AA na sinagot raw naman agad ng sister ni Ara Mina. So, matagal-tagal na rin mag-siyota ang mga nabanggit na celebrities. Well, sana magtagal ang relasyon nila lalo pa’t sinabi ni Derek na for keep na ang relationship with Cristine at gusto niyang makasama na for life. So may balak pala ang Kapatid actor na pakasalan ang leading lady ni Gerald Anderson sa “Bukas Na Lang Kita Mamahalin” na super taas ang rating ng pilot episode last September 2 (Monday). Abangan, gabi-gabi ang nasabing teleserye sa Primetime Bida ng Kapamilya network pagkatapos ng “Muling Buksan Ang Puso.”

Yeah this is worth watching gyud!

IMAGES NI JOS GARCIA

BABAGUHIN NG STAR RECORDS

Kahit na hindi naughty ang mga song na included sa debut album ni Jos Garcia na released thru Ivory Records ay nakipagsabayan talaga si Jos sa mga sumikat na naughty singers na sina Mae Rivera, Selina Sevilla at Allyna. In terms of popularity mas naungusan pa nga ng singer (Jos) na tinaguriang may built-in amplifier sa lalamunan sa sobrang ga-ling. Ang mga awitin nina Mae, Selina at Allyna. Yes, kung laos na ang kanta nila ‘yung “Ikaw Ang Iibigin Ko” ni Jos hanggang ngayon ay popular pa rin at ‘di pinagsasawaan ng kanyang mga tagahanga at supporter sa Pinas at bansang Japan. By the way, last Monday ay nagkaroon ng maikling brainstorming sina Jos at Managing Director ng Star Records na si sir Roxy Liquigan na angel namin ni BFFT Pete A. Present ang inyong columnist sa meeting dahil sinamahan ko si Jos, noong araw na ‘yun. Napag-usapan ang bagong album na gagawin ng versatile na mang-aawit na nakatakdang i-distribute ng Star Records na majority ng mga kantang kasama ay revivals. Pero ang taray, dahil may posibility na i-revive ni Jos ang mga hit noon nina Sharon Cuneta at Ms. Cherie Gil. Saka na lang raw sasabihin ni Jos kung ano ang title ng mga song nina Sharon at Cherie kapag talagang plantsado na ang lahat. Pero, ang sinigurado niya pasok sa kanyang newest album na naka-schedule i-release early next ang dalawa sa kanyang komposisyon na kinabibilangan ng hit na sa iTUNES na “Pag-ibig Ba Ito?” at syempre hindi mawawala ang signature song na “Ikaw Ang Iibigin Ko,” na may Japanese version na.

RYZZA MAE, KINAGIGILIWAN

KAHIT NG MGA KAPAMILYA STAR

Hindi lang si Martin Nievera ang nabihag ni Aleng Maliit Ryzza Mae para mag-guest sa kanyang “The Ryzza Mae Show” na mapapanood tuwing 11: 30 a.m. sa GMA 7. Sobrang napabilib ni Ryzza ang concert king dahil carry niyang makipagsabayan sa kanya. Last Monday naman sosyal ang guest ni Aleng Maliit sa kanyang show. Yes sila ay ang mag-inang kris Aquino at Bimby na kasama ng childstar host sa pelikulang “My Little Bossings” na official entry ng Metro Manila Film Festival 2013 na pinagbibidahan rin ni bossing Vic Sotto. Sa sobrang tuwa ni Kris ha-yan pinangakuan niya si Ryzza at ina na ipapasyal sila sa Disneyland sa Amerika. Knowing Kris, tutuparin niya ang promise niya kaya bongga si Aleng Maliit dahil makikita na niya ang kinaaliwan ng mga bagets na Disneyland.

Si direk Poochie Rivera pala ang director ng The Ryzza Mae Show na produced ng Tape Incorporated. Araw-araw ay namimigay ng cash at regalo sa kanyang lucky audience ang batang-batang talk show host.

Peter Ledesma

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved