Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / OTB operator posibleng maapektohan sa SMS betting system

OTB operator posibleng maapektohan sa SMS betting system

Kung matutuloy ang plano ng Malvar race track  kaugnay sa paggamit ng  short messege service sa cellphone  para sa pagtaya ng mga karerista,tiyak na maaapektohan ang operasyon ng Off trak betting station sa Metro Manila.

Itinutulak ngayon ni Dr.Norberto Quisumbing,ang may-ari ng Malvar race track sa batangas ang paggamit ng cellphone para makataya ang mga karerista kahit nasaan man silang lugar mapalabas  at mapaloob ng bansa.

READ MORE:  Cabrera nangunguna sa 2015 Petron Blaze karting series

Sa pamamagitan ng cellphone hindi na maaaring magtungo pa sa OTB station para tumaya ng karera.

Plano din na ipalabas sa cellphone ang laban at resulta ng karera upang higit na ma-enjoy ng mga racing fans ang pangangarera habang kasama ang pamilya lalo na kung Sabado at Linggo.

READ MORE:  Balipure, Air Force angat sa laban

Lubhang makagagaan nga para sa mga karerista na malayo sa mga tayaan at karerahan na makataya sa kanilang mga paboritong kabayo habang kasama ang pamilya.

Mababawasan din ang mga kareristang tumaya sa iligal na bookies.

READ MORE:  Army, Cagayan magbabanggaan ngayon (Shakey’s V League Finals)

Dahil dito naniniwala ang Philippine Racing Commission (Philracom) na malaki ang maitutulong sa pagtaas ng benta sa karera at kasalukuyang pinaplanong betting system ng Malvar at posibleng maging katuwang nito ang San Lazaro leisure Park sa Carmona,Cavite.

Ni andy yabot

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved