Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 senador sabit din sa pork barrel scam (Ayon sa CoA)

2 senador sabit din sa pork barrel scam (Ayon sa CoA)

DALAWA pang senador ang isinabit sa bagong report ng Commission on Audit (CoA) kaugnay sa maanomalyang pork barrel funds sa nakaraang dalawang taon.

Sina Senador Ferdinand Marcos, Jr., at Loren Legarda ay nabanggit sa 2011-2012 CoA report.

READ MORE:  Poll preps tuloy — Comelec (Kahit postponement posible)

Sa senate hearing nitong nakaraang linggo, inihayag ni CoA chief Ma. Gracia Pulido Tan na dalawa pang senador ang sabit sa pork barrel scam, ayon sa CoA report kaugnay sa Philippine Forest Corp.

READ MORE:  Driver napuruhan sa salpukan ng motorsiklo at pedestrian

Tumangging magkomento si Marcos kung talagang nagpalabas siya ng bahagi ng kanyang PDAF sa Philippine Forest Corp., nitong nakaraang taon.

“I haven’t seen that. Alam mo mahaba pa ito. Hinihintay ko lang lagi ang findings ng mga imbestigasyon. Mahirap magsalita… These are news reports. I am waiting for the investigative report,” pahayag ni Marcos.

READ MORE:  Divorce isama sa priority bills (Sa ethics complaint vs Alvarez)

Sa kabilang dako, hindi pa nagbibigay ng komento kaugnay nito si Legarda.      (HNT)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved