Friday , March 29 2024

Rep. Henedina Abad dapat din imbestigahan ang kanyang P92.5-M pork barrel

00 Bulabugin
HINDI natin alam kung mayroon na rin LAPSES sa kanyang memory si Budget Secretary Florencio “Butch” Abad at nakalusot sa kanyang mapanuring pang-amoy ang P92.5 pork barrel ng kanyang misis na si Rep. Henedina Abad, ang nag-iisang  congresswoman ng lalawigan ng Batanes.

‘Yan ay noong 2012 lang. Ang dapat tanggapin ng isang kongresista sa loob ng isang taon P70 milyones pero bakit sa misis ni Butch Abad ay P92.5 milyones?

Mantakin n’yo, maliit lang ang Batanes at 15 libo lang ang residente diyan pero ang taba ng Pork Barrel ng distrito  ni Madam Abad.

Mas mataas pa raw ‘yan sa PDAF ni Speaker of the House Feliciano “Sonny” Belmonte.

Pwes mayroon din palang pangangailangan na isalang sa imbestigasyon ang misis ni Butch Abad.

Dapat na talaga nating aminin na mayroong problema sa malaking bahagi ng ating burukrasya lalo na kung kinasasangkutan ito ng kwarta at pakinabang.

Ultimo ‘yung mga taong akala natin ay prinsipyado ay hindi nakaliligtas na lamunin ng sistemang umiiral ngayon sa bansa.

ALAM nating hindi lang si congresswoman Abad ang nakakuha ng ganitong probetso, pero siya ang kapansin-pansin dahil ang kanyang esposo ay BUDGET secretary na siyang nagre-release ng pork barrel.

Hindi lang dapat tanggalin ang PORK BARREL system, mayroon na talagang mahigpit na pangangailangan na IPASA na ang  FREEDOM OF INFORMATION (FOI) Bill.

Ito ang pinaniniwalaan natin na isa sa mga susi para mabawasan kung hindi man tuluyang mapawi ang korupsiyon sa bansa.

Kung hindi na rin kayang pigilan ang korupsiyon dahil dito na umiikot ang buong sistema ng pamahalaan, PIGILAN ang mga opisyal ng gobyerno at lahat ng negosyanteng may transaksiyon sa gobyerno at malalaking pribadong negosyante na maglabas ng kwarta at mag-banko sa ibang bansa.

Sige, sakmalin na ninyo ang lahat ng kwarta o pondo ng pamahalaan pero huwag na huwag ninyong ilabas ng bansa ang mga nakukurakot ninyong kwarta.

Dito ninyo gastusin ‘yan at dito ninyo paikutin nang paikutin.

T’yak na magkakaroon ng INFLATION, pero ang sigurado iikot pa rin ang ekonomiya ng bansa, magkakaroon ng maraming trabaho at mababawasan ang nagugutom na Pinoy.

Hindi tayo naggagaling-galingan pero kung gusto talaga nating sagipin ang bansa sa tuluyang pagkalugmok, pwedeng gumawa ng paraan, kahit kumapit sa patalim, pero ang importante nakagiya tayo para sa isang pag-unlad na unti-unting inaayos ang sistema ng pamahalaan.

Walang IMPOSIBLE, kung ang lahat ng nakaupo ngayon sa pamahalaan ay may ‘PUSO’ (‘wag nang UTAK, kasi marami kayo n’yan kaya ang gagaling ninyong magpaikot ng mamamayan) para sa kapakanan ng bansa.

KUMUSTA NA ANG MGA LUMUBOG NA BARKO?

SA HULING tala, mahigit 100 labi na ang narerekober sa Cebu sea tragedy.

‘Yan po ‘yung banggaan ng isang 2GO ferry at isang SULPICIO cargo vessel na nalimutan na nating lahat dahil sa pumutok na malaking isyu ng ‘IBINUBULSANG PORK BARREL’ ni Janet Lim Napoles.

‘Yan na naman, mayroon na namang naganap na trahedya sa karagatan.

Paulit-ulit na lang ang problema nating ito. Hindi tayo natututo.

Maraming buhay ang nawawala. Maraming bata, babae, ina, ama ang nauulila dahil sa insidenteng gaya nito.

Ano na ang nangyari!?

Napanagot na ba at naparusahan ang mga dapat managot sa mga naunang insidente ng paglubog ng barko, banggaan sa karagatan at iba pa.

Hindi lang si Janet Lim Napoles ang dapat panagutin sa ibinubulsang pork barrel. Singilin ang mga may-ari ng barko at mga awtoridad na nagpabaya sa kanilang tungkulin kaya nagaganap ang malalaking trahedya sa karagatan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Bernard Kaibigan Palawan

Pamilyang Pinoy protektado sa Palawan ProtekTODO

BATAY sa datos ng Philippine Insurance Commission, nananatiling mababa sa 1.75 porsiyento ang bilang ng …

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Marian Rivera My Guardian Alien

Marian sa alien—parang ang sarap niyang maging kaibigan

RATED Rni Rommel Gonzales NATANONG ang Kapuso Primetime Queen, Marian Rivera kung naniniwala ba siya na totoong …

Donny Pangilinan Belle Mariano DonBelle Cant Buy Me Love

Serye ng DonBelle laging nasa Top 10 sa Netflix

AYON sa lead stars ng top-rating series na Can’t Buy Me Love na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano, mas …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *