Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Ginang todas sa live-in partner (Anak, tiyahin sugatan)

Ginang todas sa live-in partner (Anak, tiyahin sugatan)

PINATAY sa saksak ng live-in partner ang isang ginang dahil sa matin-ding selos sa Calabanga, Camarines Sur.

Sugatan sa insidente ang anak ng ginang at tiyahin na sinaksak din ng suspek nang sila ay umawat.

READ MORE:  Grace-Chiz panalo sa reporma sa buwis (Para sa middle at lower class)

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktimang si Jenalyn Corneras, 41; habang ginagamit naman sa ospital ang anak ni-yang si Mark Oliver, 8; at tiyahin na si Emma Dasal, 56.

READ MORE:  BIR director patay sa ambush, driver sugatan

Napag-alaman, dumating sa bahay ang suspek na si Melchor Gallarde at kinompronta si Corneras hanggang uminit ang kanilang sagutan na humantong sa panaksak.

READ MORE:  Kelot nabaril ng kapitbahay habang umiihi

Tinangkang umawat ng anak at tiyahin ng biktima ngunit maging sila ay inundayan ng saksak ng suspek.

Kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na tumakas makaraan ang insidente.

(BETH JULIAN)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved