Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / British nat’l timbog sa BI (Exporter ng marijuana)

British nat’l timbog sa BI (Exporter ng marijuana)

Nadakma ng mga ahente ng Bureau of Immigration o BI ang isang Briton na wanted sa Federal Authorities sa Estados Unidos dahil sa pag-manufacture, pag-import at pag-export ng Marijuana.

Ayon kay Immigration Officer-in-Charge Siegfred Mison, nakakulong  ngayon sa BI detention center sa Bicutan, Taguig City ang banyagang si  Gypsy Nirvana, 53.

READ MORE:  18 luxury cars kinompiska ng Customs

Si Nirvana ay naaresto nuong Agosto 21, sa  Subic Freeport, Olongapo ng operatiba ng fugitive search unit ng ahensiya.

READ MORE:  Biyahe ng police scalawags sa Basilan inaayos na (Parusa pinaboran ni lacson)

Ani Mison, nag-isyu siya ng Mission Order para sa ikadarakip ni Nirvana matapos ipaalam sa kanya ng US embassy na may ipinalabas na warrant ang US district court laban sa suspek na nahaharap ng multiple counts of narcotics trafficking at money laundering charges.

READ MORE:  RITM kasado vs Ebola

Inihahanda na ng BI ang deportasyon laban sa dayuhan.

(LEONARD BASILIO)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved