Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 1 patay, 1 sugatan sa landmine (Rubber plant sinalakay ng NPA)

1 patay, 1 sugatan sa landmine (Rubber plant sinalakay ng NPA)

GENERAL SANTOS CITY – Isa ang patay habang isa ang sugatan sa pagsabog ng landmine matapos sunugin ng New People’s Army (NPA) ang planta ng rubber sa Talontalunan, Makilala, Cotabato dakong 8 p.m. kamakalawa.

Kinilala ni Kagawad Madonna Dizon ng Makilala, ang namatay na si Hector Lalaguna at ang sugatan naman ay si Boy Pondang, kapwa empleyado ng planta.

READ MORE:  63-anyos lola tinadtad ng tare ng manok

Umabot sa 30 miyembro ng Committee Front 71 ng NPA na sakay ng elf ang pumasok sa planta na pagmamay-ari ng isang Mr. Pacheco.

READ MORE:  Martial law victims may kompensasyon (300 sa 4,000 claimants)

Sinunog ng mga rebelde ang dalawang imprastraktura na kinabibilangan ng planta at opisina ng naturang kompanya.

Nagresponde ang mga biktima ngunit sumabog ang landmine na iniwan ng mga rebelde.

READ MORE:  Agaw-cellphone target sa NAIA

Dalawang anggulo ang tinututukan sa imbestigasyon, ang posibleng hindi pagbayad ng revolutionary tax at ang pagbaba ng presyo ng goma.

Pinaniniwalaan na aabot sa P1 million ang iniwang danyos sa sunog dahil ang planta ang pinakamalaki sa naturang lugar.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved