Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sherilyn, igiit na maganda ang relasyon kay Junjun at sa Pamilya Santiago (Claudine, madalas nalalagay sa alanganin)

Sherilyn, igiit na maganda ang relasyon kay Junjun at sa Pamilya Santiago (Claudine, madalas nalalagay sa alanganin)

BAGAMAT masasabi ngang nakatagpo ng mga bagong kakampi si Claudine Barretto, nang samahan pa siya ng grupong Gabriela nang mag-file siya ng demanda laban sa asawang si Raymart Santiago, para naman siyang dinagukan nang sabihin ni Sherilyn Reyes na wala siyang kinalaman sa problema ni Claudine at maganda ang relasyon nila sa pamilya Santiago, na naging mabuti naman sa kanya.

Si Sherilyn ay dating asawa ng kapatid ni Raymart na si Junjun Santiago. Nagkahiwalay din ang mag-asawa at ngayon ay mayroon na ngang bagong pamilya ang female star matapos na magpakasal sa basketball player na si Chris Tan. Gayunman, sinabi ni Sherilyn na wala siyang naging problema sa pamilya Santiago na naging mahusay ang pakikitungo sa kanya. Sinabi pa ni Sherilyn na hanggang ngayon nga raw ay nag-uusap pa rin sila ni Junjun tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang anak.

Nauna riyan, sinabi ni Claudine na hindi rin naging maganda ang pakikitungo ng pamilya ni Raymart kay Sherilyn. Parang pinalalabas niyang kagaya niya, inapi rin iyon ng pamilya ng kanyang asawa na hindi naman pala totoo.

Maski na ang kanyang kapatid na si Gretchen Barretto, may sinasabi tungkol sa kalagayan ng kanyang kaisipan, kaya nga kung minsan nalalagay talaga sa alanganin kung ano man ang sinasabi ni Claudine. Marami tuloy nagkakaroon ng duda sa kanyang mga statement na binibitiwan sa media, kahit na nga sabihing umiiyak pa siya habang nagkukuwento. Kilala naman kasi siyang dramatic actress, meaning madali siyang umiyak at a given cue.

In the meantime, puro mga kaso at kaguluhan nga ang napag-uusapan tungkol kay Claudine. Iyong kaso niya noon kay Mon Tulfo, iyong awayan nilang magkakapatid matapos niyang magbigay ng hindi magandang comment sa kanyang social networking account tungkol sa pamangkin niyang si Julia Barretto, at ngayon nga ang hiwalayan naman nila ni Raymart.

Pero mukhang walang kongkretong nasasabi tungkol sa kanyang career. Dalawang taon na siyang walang projects, matapos na maging flop ang kanyang huling TV series na ginawa sa GMA 7. Marami ang nagsasabing mukhang wala siyang makukuhang projects habang ang hitsura niya ay kasing taba na halos ng ermat niyang si Inday Barretto.

Sa hindi pagka-agnas ng bangkay

CLAUDIA ZOBEL, ISA RAW SANTA?

OA iyang sinasabi nilang baka isang santa si Claudia Zobel matapos na makitang hindi pa naaagnas ang kanyang bangkay hanggang sa ngayon. Maraming factors kung bakit ang isang bangkay ay hindi agad naaagnas.

Maski nga iyong sepulturerong humukay sa bangkay niya sinasabing hindi iyon ang unang pagkakataon na nakakita sila ng ganoon.

Masyadong ginagawang sensational ang pagbabalita lalo na sa telebisyon. Wala pa raw comment ang simbahan tungkol doon. Eh bakit magbibigay ng comment ang simbahan, ni minsan ba may nagsabing posibleng maging santo si Claudia Zobel?

Ed de Leon

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved