Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P30-M shabu kompiskado sa 2 tulak

P30-M shabu kompiskado sa 2 tulak

BUMAGSAK sa kamay ng mga awtoridad ang dalawang lalaki na  bigtime pusher, matapos mahulihan ng limang kilo ng shabu sa buy-bust operation kamakalawa sa Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Harold Wilford, 34, may-asawa, walang trabaho at Arnel Ignacio, 49, pawang residente ng Luna-2, St. San Agustin Village, Malabon City.

READ MORE:  School principal, 1 pa patay sa karambola ng 4 sasakyan (Sa Camarines Sur)

Ayon kay Police Chief/Insp. Robert Razon, hepe ng Quezon City Police District-District Anti-Illegal Drugs (QCPD-DAID), naganap ang operasyon bandang 6:30 ng gabi sa Banawe St., malapit sa kanto ng Macopa St., Brgy. Sto. Domingo, Quezon City.

READ MORE:  Mary Jane nailigtas sa bitay (Kahit pansamantala)

Tinatayang nasa P30 milyon halaga ang nasamsam na shabu mula sa dalawang suspek.

Nabatid na sakay ng kanyang Nissan Terrano (CMV-593) na itim, iniabot ni Wilford sa mga ope-ratiba ang 1 kilo ng shabu kung kaya’t dito na siya pinosasan.

READ MORE:  Ethiopian nilason Pinay minaltrato (Mag-asawang Emirati 15 at 3 taon kulong )

Samantala, kasabay na hinuli rin nang oras na iyon si Ignacio na sakay naman ng isang Mazda Familia (UTN-234) na asul, na nahulihan naman ng apat kilong shabu.

(JETHRO SINOCRUZ)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved