Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Huwag ka nang mag-baboy PNoy! (Para sa isang malusog na lipunan)

Huwag ka nang mag-baboy PNoy! (Para sa isang malusog na lipunan)

00 Bulabugin

HABANG lumalakas ang panawagan ng sambayanan na IBASURA na ang ‘PORK BARREL SYSTEM’ na pinaniniwalaang lalong nagbaon sa ating bansa sa KORUPSIYON, dumarami rin ang diskontento sa sagot ng Palasyo na hindi sila papayag na tanggalin ang ‘PORK BARREL’ as in PRESIDENT’s SOCIAL FUND (PSF) ng Pangulo.

Mayroon dalawang katuwiran na mahirap maintindihan sa sagot ng Palasyo.

Una ‘yung sinabi ni Presidential lady spokesperson Abigail Voltahe ‘este’ Valte na hindi naman kasama sa General Appropriations Act ang PSF ng Presidente. Ito raw ay nanggagaling sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at sa Philippine Charity and Sweepstake Office (PCSO). At hindi naman daw NAAABUSO ang paggamit sa Social Fund ng Pangulo. ‘All accounted for’ naman daw …

Ang ikalawang sagot ay galing naman kay Secretary Edwin Lamierda ‘este’  Lacierda, ang isa pang tagapagsalita ng Pangulo. Ang sabi niya: “It is used to provide assistance to families of calamity victims, fallen soldiers and policemen, as well as give donate to other countries beset by disaster or distress.”

May hirit pa ‘yan: “Can we abolish typhoons and storms? If you can abolish typhoons and storms I’m for abolishing the calamity fund …  Can you program the amount of funds that will be used there? If you use money beyond the appropriation, what happens to the president? He’ll be liable for malversation.”

Pansin lang natin, bakit napaka-DEFENSIVE ng mga sagot ng Palasyo?

Hindi ba talaga makakikilos ang Palasyo kapag walang PSF?!

Bakit hindi na lang ideretso ‘yan PSF sa mga concerned government agencies o kaya sa mga local government units na higit na nangangailangan?

Gamit na gamit kasi ang mga ‘PORK BARREL’ o PSF sa PAMOMOLITIKA.

Kaya hindi na nakapagtataka na maging ‘yung barangay council na dapat ay non-partisan, pero dahil sa ‘PORK BARREL’ ay ‘nakasuso’ sa kung sinong POLITIKONG kumakalinga sa kanila gamit ‘yang pondo na ‘yan.

‘Yan din ‘PORK BARREL’ o PSF na ‘yan ang dahilan kung bakit maraming kaso na hindi magkasundo ang mga MAYOR at CONGRESSMAN sa isang bayan o lungsod.

Higit sa lahat, ‘yang PORK BARREL o PSF na ‘yan na mula sa dugo’t pawis ng sambayanan ang nagagamit sa iba’t ibang paraan ng pang-aabuso sa sambayanan.

Kung hindi magkakaroon ng rasonable at makatarungang tugon si PANGULONG NOYNOY sa kahilingan ng sambayanan na tanggalin na ‘yang PORK BARREL na ‘yan … another EDSA UPROAR is upcoming …

GALIT na ang UPPER & MIDDLE CLASS na nakukuba sa pagbabayad ng BUWIS pero wala silang napakikinabangan lalo na ang nakararaming Pinoy na naghihirap at ngayon nga ay nananakawan pa ng isang gaya ni JANET LIM NAPOLES at kasabwat na mga mambabatas.

PNOY, huwag ka nang mag-BABOY!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.7630 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved