Thursday , October 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Diana, sinuwerte sa pagbabalik-telebisyon (Tunay na galing sa pag-arte, matutunghayan!)

Diana, sinuwerte sa pagbabalik-telebisyon (Tunay na galing sa pag-arte, matutunghayan!)

MAITUTURING na suwerte ang pagbabalik-showbiz ni Diana Zubiri. Hindi kasi lahat ng nagbabalik ay muling nabibigyang pagkakataon na makaarte. At sa kanyang pagbabalik, dalawang teleserye agad ang ibinigay sa kanya ng ABS-CBN2. Ito ay angJuan dela Cruz na pinagbibidahan ni Coco Martin at ang mapapanood ngayong Lunes, ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Ginagampanan ni Diana ang papel ni Peru-ha o si Saragnayan, ang itim na diwata na umano’y lumikha sa mga aswang sa Juan dela Cruz samantalang siya naman si Carla Melendez sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Masaya si Diana sa pagbabalik-telebisyon dahil agad siyang pinagkatiwalaan ngKapamilya Network ng dalawang teleserye. ”Very thankful ako sa ABS-CBN dahil dalawang shows agad ang ibinigay nila sa akin,” anito nang maka-usap namin sa presscon ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Ani Diana, masayang-masaya siya sa pagkakataong ibinigay muli ng Dos dahil matagal niyang hinintay ang break na ito at ang muling mapanood siya sa telebisyon.

Kaya naman nang mag-offer daw sa kanya ang Dreamscape ng ABS-CBN ay hindi na niya pinakawalan pa dahil baka mawala pa ang dumarating na opportunity.

Bukod sa dalawang shows, abala rin si Diana sa pag-aaral. Graduating Theater Arts student na siya sa Mirian College at kahit mahirap, nagtitiyaga ang aktres dahil pangarap talaga niya ang makapagtapos ng pag-aaral. ”Mahirap kasi pareho kongpriority ang work and school, most especially school, kasi matatapos na ako ayoko namang pabayaan iyon (pag-aaral),” giit pa ni Diana na kaya pala siya nawala pansamantala sa showbiz ay dahil binigyan niya ng oras ang pag-aaral. Umaasa siyang kapag nakatapos ng pag-aaral ay magagamit niya ito eventually.

READ MORE:  Humingi ng Tawad at Magpatawad

Hindi naman itinanggi ni Diana na medyo nahirapan siya sa kanyang pagbabalik-pag-arte sa telebisyon lalo na sa bago niyang teleserye na pinagbibidahan din nina Gerald Anderson, Dawn Zulueta, Cristine Reyes, Dina Bonnevie, Rayver Cruz at marami pang iba. Ayon kay Diana, marami raw kasing iyakan ang BNLKM.

“Nahirapan po ako kasi  matagal po akong ‘di umarte, ito po ang unang-una ko…kumbaga rito ko po uli ibibigay lahat-lahat. Mahirap mag-motivate na lang basta-basta, ‘yun po ang challenging. Pati po ‘yung rape scene, mahirap gawin, lalo na ‘yung ipinagawa ni Direk Jerome Pobocan. Kapag napanood ninyo kung paano ginawa ‘yung rape scene mauunawaan n’yo ‘yung sinasabi ko po.”

Sa kabilang banda, inilarawan naman ni Direk Jerome Pobocan kung gaano nga kahirap ang ipinagawa niya kay Diana. ”Marubdob ‘yung pinagdaanan ng character ni Diana. Masyadong mabigat ‘yung character ni Diana. Ipinakita rito kung gaano kahirap, kung paano siya ni-rape, kung sino ang nang-rape, mahirap siyang i-cover.

“Mahirap siyang gampanan para sa isang artista—physically kasi kailangan niyang tumakbo, manlaban, pero nagawa naman niya ng mahusay pati ng assailant niya, maayos ang pagkakagawa ng mga eksena,” papuri pa ni Direk Pobocan kay Diana.

READ MORE:  JM, di raw totoong nagbalik-bisyo, ‘di rin daw totoong problema nila ang binata

Mahalaga ang papel na ginagampanan ni Diana sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin dahil siya ang magiging dahilan ng paghihirap ng karakter ni Gerald bilang si Miguel Dizon.”Oo nga po masaya ako sa break na ito at dahil sa  character ko mag-uumpisa at iiko ang istorya.”

Hindi naman itinanggi ni Diana na medyo na-intimidate siya kina Dawn at Miss D (Dina).”Matagal na kasi silang artista at talagang magagaling sila. Kumbaga, matang-mata pa lang nila umaarte na. ‘Yun ‘yung pinag-aaralan ko ngayon na sana ganoon din ako, ‘yung walang effort at natural acting lang.”

Bagamat nai-intimidate, kapansin-pansin naman na okey sila ni Dina habang isinasagawa ang presscon. May pagkakataon kasing nagtsitsikahan silang dalawa at may pakurot-kurot pa si Miss D. ”Ka-gym ko kasi siya. Kanina, actually nagkita kami as in palagi kaming nagkikita sa gym-nag-aasaran ganoon. Si Miss D, sa mga mga eksena naming kung paano siya nagsasalita ganoon din siya sa personal.”

At dahil magka-gym sila, naging advantage it okay Diana. ”Oo, roon ko inaano ‘yung pagsasama namin kasi ‘di ba kailangan sabayan mo rin para hindi masyadong ma-intindimate. Hindi ako puwedeng magpatalo roon sa nararamdaman ko, kasi mas lalo akong hindi makakakilos kung ganoon ang paiiralin kong pakiramdam.”

READ MORE:  Ipinagbubuntis ni Ara, nalaglag

Sinabi pa ni Diana na mas naging open ang communication nila ngayon ni Dina kompara noong unang nakasama niya sa kabilang estasyon. ”Ramdam ko noon ang pagiging mataray niya noong una ko siyang nakasama sa kabila. Rito hindi na kasi mas open na ang communication. Sa kabila may sarili siyang dressing room, bawal pumasok. Dito si Miss D lahat sinasabi niya kaya masarap siyang kausap, diretso siyang tao, prangka, makuwento. Nakikinig lang ako sa mga usapan nila minsan kasi nakakatuwa silang mag-usap-usap.

Nagpapasalamat din si Diana sa pamunuan ng Mirriam dahil sinusuportahan siya sa kanyang trabaho. ”Pinayagan nila ako na mag-artista uli kasi alam nila this is my bread and butter. Alam nila na wala akong choice kundi magtrabaho. Basta ang sabi lang nila n asana ‘yung role ko hindi na tulad ng dati kasi  Catholic school nga naman ang Mirriam. Sinabi pa nila na sana ‘wag ko silang bigyan ng ano…siyempre kailangan maging proud din sila sa role na gagawin ko.”

Sa huli, muli siyang nagpasalamat sa ABS-CBN dahil pawang magagandang proyekto ang ibinigay sa kanya na magpapakita ng kanyang galing sa pag-arte at pagiging aktres. Umaasa siyang muling tatanggapin ng publiko ang kanyang pagbabalik-showbiz.
Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved