Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Ang Zodiac Mo

Ang Zodiac Mo

Aries  (April 18-May 13) Ang balita kaugnay sa pera, maaaring tseke, ay posibleng dumating na.

Taurus  (May 13-June 21) Madidismaya ka ngayon bunsod ng hindi natupad na hangarin. Iniisip mo kung saan ka nagkamali.

Gemini  (June 21-July 20) Posibleng mabinbin ang hinihintay na bagay, maaaring dahil sa hindi malinaw na komunikasyon.

Cancer  (July 20-Aug. 10) Maaaring hindi ka makadalo sa group activity na iyong sinalihan. May mahalaga bagay kang haharapin.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Maiinis ka bunsod ng hindi natapos na mahalagang proyekto bagama’t pinagsumikapan mo ito.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Maaaring mangamba ka kaugnay sa maselang isyu kaya nanaisin mong magkabasyon muna sa trabaho.

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) Kung plano mong mamuhunan, hindi ito ang tamang araw para sa pagpapasimula.

Scorpio  (Nov. 23-29) Ang pagtatangka na gawing business partner ang isang kaibigan ay posibleng maging negatibo.

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) Mabigat ang iyong katawan ngayon at halos ayaw mong bumangon. Maaaring dahil sa pakikipaggimik sa nagdaang gabi.

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) Maghihintay ka ngayon sa tawag sa telepono na maaaring hindi naman dumating, mula sa iyong romantic partner.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) Isang miyembro ng pamilya ang maaaring depress ngayon dahil sa kanyang trabaho.

Pisces  (March 11-April 18) Maaaring muling mabinbin ang pagdating ng hinihintay na mahalagang tawag o sulat.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Walang dahilan para ikaw ay madismaya sa mga bagay na wala sa iyong control.

Lady Dee

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved