Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Ang pagsuso ni Pete sa dibdib ng animal na may sungay (Part 10)

Ang pagsuso ni Pete sa dibdib ng animal na may sungay (Part 10)

SA ISIP NI PETE PADER ANG BABANGGAIN NG NINONG NIYA SA PAGKA-CONGRESSMAN

Sa isip ni Pete, desidido na yatang talaga si Congressman Rojovilla na tumakbong gobernador kaya hinulaan niyang kakaila-nganin na nito ang serbisyo niya. Bukod sa pagpapaanunsiyo sa Mister Siomai and Siopao sa kanyang radio program ay mahigit limang taon na rin siyang naka-payroll sa blue book nito. Lihim na lihim ang pagpi-PR niya sa kongresista.  Batid niya, kahit hindi binabanggit sa Journa-list’s Code of Ethics, ang maging isang publisista ng anumang kom-panya o ng sinumang indibidwal, lalo’t nasa gobyerno, ay maituturing na rin na isang anyo ng “pagpuputa” ng isang mamamahayag.

READ MORE:  A Dyok A Day

Landslide lagi ang panalo sa pagka-kongresista ni Congressman Rojovilla sa kanilang bayan. Noong nakaraang halalan ay halos wala nang gustong kumalaban sa ninong niya dahil malapit ito sa puso ng kanyang mga kababayan. Bukang-bibig sa ‘di-iilan ang kabaitan nito: bukas ang tahanan sa mga nangangailangan gaya ng pagpapalibing sa mga walang-wala, pagsagot sa gastusin ng pobreng maysakit, tumutulong sa mga kabataang gustong makapagtapos ng pag-aaral, at marami pang gawaing pagpipilantropo. Na hindi naman talagang papel ng isang kinatawan sa Kongreso.

READ MORE:  Feng Shui: Northern chi para mapakalma ang sarili

Sa isang banda, alam din ni Pete na hindi madaling banggain ang nakaupong gobernador sa kanilang lalawigan. Malakas ang karisma ni Gob sa mga kabataan at kababaihan. Huli nito ang kiliti ng masa. Nakakuha rin ito ng malaking boto sa hanay ng mga negosyante, propesyunal at intilektuwal. Posibleng “may tulog” sa laban ang kanyang ninong sa darating na halalan.

READ MORE:  The Sixth Sense: Mga pagkaing dapat iwasan ‘pag may Cancer

(Subaybayan bukas)

Rey Atalia

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved