Thursday , 17 April 2014
Breaking News
You are here: Home » Bulabugin » E bakit si Napoles ang pumipili ng kulungan n’ya?! ( No special treatment? )

E bakit si Napoles ang pumipili ng kulungan n’ya?! ( No special treatment? )

00 Bulabugin
TIGAS na katatanggi ng Malakanyang na wala raw special treatment na ibinibigay kay Janet Lim Napoles, ang itinuturong mastermind sa P10-billion pork barrel scam, matapos na siya ay sumuko nitong Miyerkoles ng gabi.

Kailangan lang daw ihatid nang PERSONAL ng Pangulo sa Camp Crame si Napoles para tiyakin ang kanyang kaligtasan.

(Hindi nga naman nagbantay si PNoy, naghatid lang daw at hindi rin umano umabot ng 10 minuto nang harapin niya sa Napoles sa Malakanyang).

Nitong Huwebes ng gabi, inilipat sa Makati City Jail si Napoles nang igiit ng Makati Regional Trial Court Branch 150 na ang commitment order na ipinadala nila sa CIDG-NCR sa pamamagitan ni S/Supt. Roberto Fajardo.

Ibinalik kasi ni Kernel Fajardo sa Makati  City RTC Branch 150 ang arrest warrant bilang indikasyon na hawak na ng mga awtoridad si Napoles kaya naman naigiit nila kahapon din ang commitment order.

Mula sa nangyaring pagsuko sa Malakanyang hanggang sa paghahatid ni PNOY sa Camp Crame mukhang naibsan lang ang ‘ASAR’ ng sambayanan nang igiit ng KORTE na doon siya dapat makulong sa Makati City Jail.

Pero muli na naman bumalik dahil mismong si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang nag-utos na ihiwalay ng detensiyon si Napoles.

Inihiwalay siya sa 103 female inmates na kinabibilangan ng ipinakulong niyang kasambahay na hindi na nakatiis sa dami ng ipinagagawa niya kasama na ang pagpapamasahe tuwing hatinggabi hanggang madaling araw.

Pinayagan niyang umalis ang katulong at pinadalhan pa ng mga jacket at underwear na nagkakahalaga umano ng P200,000 pero iyon pala ay isang set-up.

Nakulong ang kasambahay sa kasong qualified theft.

Ang KARMA nga naman!

At ‘yun pala ang katotahanan, hindi ang ‘BANTA’ dahil marami siyang nalalaman sa PORK BARREL SCAM kundi ‘BANTA’ dahil sa inagrabyado niyang KASAMBAHAY.

Inihiwalay siya dahil doon siya inilagay sa isang air-conditioned room na malayong-malayo sa kalagayan ng pangkaraniwang inmate.

Sabi ng kanyang abogado, hindi raw ‘yung ‘COMFORT’ ang importante sa kanila kundi ‘yung ‘KALIGTASAN.’

Nampuscha naman!!!

‘Yan ba ang sinasabi ng Malakanyang na walang special treatment!?

At ngayon naman ay pinayagan na naman ng Makati RTC na malipat si Napoles sa PNPA, Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa Laguna … mas sariwa raw ang hangin doon at malayo sa media.

Hindi pa pala special treatment ‘yan …

Tsk tsk tsk …

‘E anong pwedeng itawag d’yan, Atty. Lorna Tapunan ‘este’ Kapunan?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

Scroll To Top