Friday , 18 April 2014
Breaking News
You are here: Home » Opinion » Totally alisin na ang ‘pork barrel’

Totally alisin na ang ‘pork barrel’

HANGA ako kay BAYAN MUNA partylist Neri -Colmenares sa kanyang hayagang pagsasabi na alisin na totally ang pork barrel ng lahat ng mambabatas.

Dahil ang trabaho raw nila ay ang gumawa ng batas at hindi ang magpatayo ng basketball court. Korek!

Dati-rati naman ay walang pork barrel o priority -development assistance fund (PDAF) ang mga mamba-batas. Nauso lang yata ito pagkatapos ng Marcos regime.

Kung si ex-Senator at ex-Mayor Alfredo S. Lim ang -tatanungin, ang pork barrel daw ay ugat lamang ng samo’t saring katiwalian.

Noong Senador si Lim, hindi siya kumuha ng pork barrel. Nahawa sa kanya sina Sen. Joker Arroyo at Sen. Ping -Lacson na hindi rin kumuha ng pork.

Ang bawat senador ay entitled sa P200-M pork barrel, habang ang kongresista naman ay P70-M.

Ang napakalaking halagang ito ang hinahabol ng -karamihan ng mga gustong maging kongresista o senador.

Kapag inabolis o inalis ang baboy na ito, malalaman -natin kung may gusto pang tumakbo sa kongreso. Siguro ‘yung mga tatakbo nang walang pork, ‘yun ang mga talagang -gustong magserbisyo sa bayan.

Let’s do it, honorables … Alisin na ang PORK BARREL!!!

Bakit ayaw imbestigahan

ng Senado si Napoles?

- Mr. Venancio, nagtataka lang po ako. Bakit ayaw -imbestigahan ng Senado itong si Janet Napoles e P10 -bilyon ang nadale niya sa kaban ng bayan? Mas malaki ito ng ilang doble sa sinasabing naibulsa nina late Sec. Angelo Reyes (nagbaril sa sarili sa harap ng puntod ng kanyang ina) at ex-Chief Justice Renato Corona na ipinahiya sa -publiko ng mga magagaling nating senador? Takot ba ang mga senador na imbestigahan ang kapwa nila senador na sangkot sa P10-B pork barrel scam? – 09277247…

May punto ang ating texter. Pero sa tingin ko malabong ipatawag ng Senado si Napoles. Kung wala sigurong sakit si Senadora Miriam Defensor-Santiago, malamang na -ipatawag niya pati ang mga testigo. Si Sen. Miriam lang ang may tapang na mag-imbestiga ng kapwa niya senador. Senadora… pagaling ka na. Kailangan ka na sa Senado.

Ipa-check-up

ang gov’t officials

kung may puso

- Mr. Venancio, puwede po kaya ipa-checkup ang govt. officials na involved sa pork barrel scam if may heart sila? Hindi sa hospital kundi sa simbahan. Pag walang puso, wala ring konsensya. Buti pa si Amanda, the girl w/o heart, natagpuan niya ang ang puso niya among the poor. Sila, halungkatin man ang baul ng pera nila, wala silang pusong makikita. Pls. don’t show my cel #. Salamat. – 0919243….

Nice message … gawin sana ito ng ating gov’t officials.

Trabahador sa Pasay City Hall,

higit isang buwan

nang delayed ang sahod

- Sir Joey, paki-kalampag naman si Mayor Tony Calixto. Kami po ay isang buwan at kalahati nang walang sahod. Kawawa naman ang aming pamilya. Thanks! – 0928536…

Kung sa Pasay ay higit isang buwan nang walang sahod ang mga trabahador, gayondin sa Manila City hall, higit isang buwan na rin delayed ang suweldo ng mga -empleyado.

Pasay Mayor Tony Calixto at Manila Mayor Erap, ano na ba ang nangyayari sa kaban ng lungsod n’yo?

Grabeng jumper

ng koryente

sa Dampalit, Malabon

- Sir Joey, sana naman po matigil na yung mga nagka-kabit ng jumper ng kuryente dito sa lugar namin sa -Dampalit, Malabon. Mula po Rodriguez hanggang Dona Juana subd., napakaraming jumper, yung iba may piso net pa. Wala po kasing takot kung magkabit sila. Baka po kasi pagmulan ng sunog. Maraming salamat. – 09276717…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: joey_pulis@yahoo.com

Joey Venancio

Scroll To Top