Friday , 25 April 2014
Breaking News
You are here: Home » Opinion » SONA ni PNoy, secret ang nilalaman

SONA ni PNoy, secret ang nilalaman

MAGING ang mga member ng Cabinet ni PNoy walang nakababatid kung ano ang taglay nito. May bombshell kaya? Ano ang nilalaman kung mayroon man na maaaring magpayanig sa Bureau of Customs.

Ang trust and confidence ang magiging pasaporte ni Commissioner Biazon sa kanyang pananatili. Kung okay sa Malacañang ang nakagigimbal na shortfall ng BoC na umaabot na sa P103-billion sa loob ng 20 months na panunungkulan ni Biazon, tuloy pa rin siya bilang commissioner.

Pero sa dinami-rami ng mga banat sa administration ni Mr. Biazon sa iba’t ibang sector tulad ng oil industry (remember iyong banat ni Petron president Ramon S. Ang) na aabot hanggang P40 billion ang nawawala sa smuggling noong nakaraang taon? Iyong ibinulgar ng mismong si Finance Secretary Cesar Purisima na umaabot daw sa $500 million ang nawawala sa kabuan dahil sa smuggling. Kung okay din sa Malacañang ang walang nahuhuli na isa mang big fish na smuggler o dili kaya ay isang bigtime grafted sa napakaraming mandarambong sa bureau, oks lang ba ito?

Pero kung ang taong bayan ang tatanungin natin, marahil hindi sila papayag nang ganito na lamang lagi ang situation ng pagpapalakad sa Customs, ibig lang sabihin nito kakailanganin na naman natin ang mangutang sa ibang bansa para mapagtakpan ang mga nakalululang shortfall.

Hanggang kailan mag-o-OJT (on-the-job training) ang mara-ming dinala ng presidential appointee ni PNoy sa Bureau? Bukod sa commissioner, may seven na deputy commissioner, at 14 yata na mga director sa isang ahensya tulad ng Bureau. Sa rami ng mga utak nagtutulong-tulong para tumino ang ahensya, aba’y lalo yatang lumalala.

Kung iyong trust and confidence ay hawak pa ni Biazon sa dating kasama ni PNoy sa kongreso tuloy pa rin ang kanyang panunungkulan.

Ang masakit nito, ultimong mga section, division chief at maging mga opisyal ng collection district wait and see attitude sila.

Ayaw gumalaw masyado hangga’t di segurado ang kanilang status. Kung halos standstill ang situation magdurusa nang labis ang mga consumer sa pagbili ng mahal na commo-dity na angkat kahit ‘ika nga ang mga ito ay smuggle pa. Si Commissioner mahahalata mo na wala rin siyang inkling or idea kung ano ang plano ni PNoy sa Bureau. Hula-hula.

Arnold Atadero

Scroll To Top