Monday , 21 April 2014
Breaking News
You are here: Home » Opinion » Ang mahiwagang streamer

Ang mahiwagang streamer

I keep asking that the God of our Lord Jesus Christ, the glorious Father, may give you the Spirit of wisdom and revelation, so that you may know him better.—Ephesians 1:17

MARAMI ang naiintriga at nahihiwagahan sa nagkalat na  thank you streamer ng ating butihing Alkalde Alfredo Lim sa mga pangunahing lansangan sa Maynila na nagsasaad ng pasasalamat sa mga taga-Maynila.

Hindi raw nila ma-gets kung bakit kailangan pa raw magpasalamat ni Mayor Lim sa mga taga-Maynila gayong nabigo siya sa nakaraang halalan.

***

DAGSA rin ang nagpapadala ng mensahe at kung minsan ay tumatawag pa sa ating numero na naka-post sa ibabang bahagi ng ating column (pero mga text messages lamang po ang aking tinatangap at hindi tawag).

Ano raw ba ang ibig sabihin ng thank you streamers ni Mayor Lim na: Maraming Salamat po sa inyong pagsuporta! na nakapaskil ngayon sa buong Lungsod.

***

IMBES daw  streamers ng mga nagwaging sina Mayor-elect Erap Estrada at Vice Mayor Isko Moreno ay mga streamers ng pasasalamat ni Mayor Lim ang kanilang nakikita.

Si Mayor Lim daw ba uli ang nanalo sa eleksyon sa Maynila?Hindi raw ba bababa sa puwesto si Mayor Lim sa city hall?

Sino raw ba talaga ang nagwaging Alkalde sa Maynila?

Ang sagot ko: he…he…he!

***

PERO mga Kabarangay, masama bang magpasalamat sa mga bumoto at sumuporta sa ating Alkalde nitong May 13 election?

Hindi ba’t dapat ganito ang gawing asal ng lahat ng politiko na tumakbo sa halalan, nanalo man o hindi.

Magpasalamat sa mga natanggap na boto mula sa kanilang constituents?

Sabi nga sa huli, tayo pa rin ang magkikita-kita sa finals!

***

SA totoo lang mga Kabarangay, dapat  manguna rin ang mga kandidatong nanalo o natalo na maglinis sa ikinalat nilang campaign posters sa lansangan. Ginawa na ito ni Mayor Lim dahil iniutos na niya na alisin ang mga campaign posters na ikinabit nitong nakaraang halalan.

Samantala ang iba, lalo ang mga nanalo, ‘ayun walang tiyagang baklasin ang kanilang mga pagmumukha sa pader, poste, ang rason nila rito ay magagamit pa umano nila  sa susunod na pagtakbo.

Kapal ng mga mukha ‘di ba?

***

WALA pang opisyal na pag-upo sa tungkulin nina Mayor-elect Erap at VM Isko sa city hall. Sa Hulyo 1 pa ang kanilang oathtaking at pormal na designasyon bilang mga nahalal na Alkalde at Bise Alkalde ng Maynila.

Mahaba pa ang araw, dalawang Linggo pa ang natitira mga Kabarangay. Hanggang ngayon si Mayor Lim pa rin ang Ama ng Maynila.

Kaya, hintayin natin kung makauupo este, uupo sa Hulyo 1 ang mga bagong halal!

SCHOOL BAGS

SA  DAY CARE CENTERS

NAMAHAGI muli ng school bags si Mayor Lim sa mga batang mag-aaral sa Maynila. Sa pagkakataong ito, mga mag-aaral sa day care centers ang pinagkalooban ng libreng school bags mula sa Alkalde.

Hindi kinalimutan ni Mayor Lim ang day care centers students, dahil unang hakbang nila ito sa pag-aaral patungo sa mas mataas na antas ng edukasyon para maabot ang kanilang mga pangarap.

***

HALOS wala nang gastos ang mga magulang sa pagpapa-aral sa kanilang mga anak dito sa Maynila. Libre na ang eskwela, libre pa ang gamit pang-eskwela, sagot lahat ni Mayor Lim.

Tanging baon na lamang ang kanilang poproblemahin at gabay sa paghahatid sa eskwela. Laking pasasalamat ng mga magulang.

Malaking tulong ito sa badyet ng isang pamilya!

COMELEC STEERING COMMITTEE SA BRGY ELECTION

HINDI na maawat ang Barangay election sa darating na Oktubre. Bumuo na kasi ang Commission on Election ng special steering committee na sisiguro sa maayos na preparasyon ng halalan sa barangay level.

Binubuo ito ng limang mga batang komisyoner na pamumunuan ni Commissioner Christian Lim.

***

MARAMING mga nagnanais na tumakbo sa Barangay ang maagang nagpaparamdam sa kanilang constituents. Palibhasa, wala nang pre-mature campaigning ngayon kaya sinasamantala  nila ang pagkakataon.

Sa ganang akin, mahigit 20 taon na tayo sa Barangayan, ang aking pormula lamang ay maging totoo sa iyong mga nasasakupan, hindi dapat mangamba kung may nagawa at  tunay naman ang iyong paglilingkod sa kanila.

***

KAHIT maglagay pa sila ng iyong kalaban, (gaya ng ginagawa sa inyong lingkod tuwing barangay election sa Barangay 659-A) pero kung nakita naman ng iyong mga constituents na napaayos at napaganda mo ang iyong barangay, hindi mo na kailangan magpapogi pa.

Ang track record sa malinis na pagseserbisyo ang magsisilbi mong campaign materials. Dito ay makatitiyak ka na susuklian ng iyong constituents ang lahat ng iyong paghihirap.

Learn from my experience, mga kabarangay!

Para sa anumang komento, mag-email sa joy_column@yahoo.com. o mag-text sa 0932-3214355. Lumalabas ang ating kolum tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chairwoman Ligaya V. Santos

Scroll To Top