Thursday , 17 April 2014
Breaking News
You are here: Home » Breaking News » 2 patay, 60 nasagip sa lumubog na Ro-Ro

2 patay, 60 nasagip sa lumubog na Ro-Ro

061513_FRONT
LEGAZPI CITY – Dalawa katao ang namatay habang 60 pasahero ang nasagip mula sa lumubog na Ro-Ro vessel sa karagatang bahagi ng Burias Islands sa Masbate.

Ayon kay Deputy Provincial Dir. Jeffrey Fernandez ng Masbate PPO, naibaba na ng rescue team ang naturang mga survivor sa bayan ng Punta Agua Burias na pinaglubugan ng barkong M/V Our Lady of Carmel na pag-aari ng Medallion Shipping Line.

Dinala ang mga nasagip sa Aroroy Health Center sa Masbate para sa atensyong medikal.

Kabilang sa dalawang namatay ay kinilalang si Carlota Sena.

Samantala, napag-alaman mula kay Office of Civil Defense Bicol Reg. Dir. Raffy Alejandro, mula sa Pilar Port, dumaan muna ang nasabing barko sa Pio Duran Port para daanan ang mga pasahero na sakay naman ng Isarog bus patungong lalawigan ng Masbate.

Sa impormasyon, sinasabing 30 minuto na lamang ang layo ng barko mula sa Masbate port nang ito ay magkaaberya.

Ayon pa sa OCD, umaabot sa 66 ang bilang ng mga pasahero ng Ro-Ro vessel.

Ngunit sa panayam sa ship captain na si Lauro Mateo, sinabi niyang umaabot sa 22 ang crew members ng barko habang nasa 40 naman ang mga pasahero.

Kinompirma rin ng kapitan na tumagilid muna ang barko bago tuluyang lumubog.

ni JETHRO SINOCRUZ

Scroll To Top