Thursday , 24 April 2014
Breaking News
You are here: Home » Opinion » Oligrachs, laging lusot; Go, Sulpicio absuwelto

Oligrachs, laging lusot; Go, Sulpicio absuwelto

ISANG trahedya ang naranasan ng pamilya ng tatlong pangkaraniwang manggagawa nang mamatay sa pagsabog ng Two Se-rendra Condominium sa Bonifacio Global City sa Taguig City nitong nakaraang Biyernes at hanggang  ngayon ay inaalam pa raw ng otoridad ang sanhi ng insidente.

Dito sa atin, ang mga oligrach ay lagi na lamang nakalulusot para panagutin sa mga sakuna ng kanilang negosyo.

Noong Hunyo 1995, gumuho ang limang pa-lapag ng Sampoong Department Store sa Seoul, South Korea na ikinamatay ng 80 katao at ikinasugat ng mahigit 900.

Ang nasabing establisyemento ay sa ibabaw ng landfill itinayo kaya natural na naging mabuway ang gusali.

Buwan ng Disyembre o makalipas lang ang anim na buwan, hinatulan ng hukuman ang may-ari ng Sampoong na mabilanggo ng sampu’t kalahating taon habang ang anak niya’y pitong taon na pagkakakulong.

Ang naging basehan ng hatol sa kanila ng hukuman ay kapabayaan (negligence) at panunuhol sa mga opisyal ng kanilang pamahalaan kaya naaprubahan ang pagtatayo ng Sampoong deparment store.

Ganyan kabilis gumulong ang katarungan kapag sa isang bansa ay gumagana ang batas.

Samantala, ang may-ari ng Glorietta Mall ng Ayala Land Inc. (ALI) na sumabog noong 2007 ay naabsuwelto kahit 11 katao ang namatay sa insidente.

Nakalusot ang ALI kahit pa lumabas sa im-bestigasyon na ang sumingaw na methane sa basement ng Glorietta ang naging sanhi ng pagsabog, sa hindi natin malamang halaga, este dahilan.

Hindi ba makatwiran lang na ang Ayala Land Inc., ay tanggalan ng lisensiya bilang developer ng commercial at residential buildings at papanagutin sa mga buhay na nawala at mga ari-ariang nasira kung may negligence o kapabayaan?

GO THONG, SULPICIO

INABSUWELTO

WALANG ipinagkaiba ang Ayala sa pamilya Go ng Sulpicio Lines na nakapamayagpag pa rin sa maritime industry kahit 4, 375 katao ang namatay dahil sa paglubog ng kanilang MV Dona Paz noong 1987 na nakipagsalpukan sa MT Vector.

Walang nakulong na miyembro ng angkan ng Go sa nataguriang ‘deadliest peacetime ma-ritime disaster’ sa kasaysayan.

Noong Hunyo 2008, lumubog na naman ang MV Princess of the Stars ng Sulpicio Lines at 800 pasahero ang namatay.

Nitong buwan ng Abril, hindi lumikha ng ingay ang pagkaka-absuwelto ng Court of Appeals (CA) kay Edgar Go, vice president ng Sulpicio Lines.

Ang tawag sa mga katulad nila ay oligrach, mga negosyanteng saksakan ng yaman at super-lakas ang impluwensiya sa pamahalaan.

Sabi ng CA, wala raw ni katiting na ebidensiyang magpapatunay na may kapangyarihan at control si Go sa pagpapalis ng barko kahit siya pa ang may-ari nito.

Samakatuwid pala ay puwedeng mag-negosyo at magkamal ang kahit sino na walang kaakibat na pananagutan sa batas, kesehodang makamatay ng kahit gaano karaming tao.

Ganyan ang sistema ng hustisya sa bansa, nagagawang baluktutin at bulaging ang batas.

Kaya hindi na tayo nagtataka kung bakit may mga tao na inilalagay na lamang ang batas sa kanilang mga kamay.

SA BAHAY NA LANG

LAHAT MAG-ARAL

MEDYO uminit ang ating ulo matapos nating mabasa ang pahayag ni DepEd Assistant Secretary for Planning Jesus Mateo na tatanggapin ng kagawaran ang late enrollees ngunit maaaring ilagay sila sa home study program (HSP) para maiwasan ang siksikan sa mga silid-aralan.

Ginagawa ito ng DepEd sa mga over-aged children, low achievers or repeaters, those with disciplinary problems [and] working students” kahit pa may mga kakayahan naman silang pumasok sa regular na klase.

Ito ba ang alam na solusyon ng DepEd sa kakulangan ng mga classroom sa bansa? Hindi ba double standard ang tawag diyan?

Puwes, kung ‘yan din lang pala ang solusyon na kayang gawin ng DepEd, bakit hindi na lang kaya lumayas sa puwesto si Luistro?

Para sa reklamo, suhestiyon at  komentaryo tumawag o mag text  sa 09158227400 / Email: lapidfire_14@yahoo.com

Percy Lapid

Scroll To Top