Thursday , 24 April 2014
Breaking News
You are here: Home » Showbiz » Nora, dumalaw muna sa puntod ng ina at kapatid, bago nagdiwang ng kaarawan

Nora, dumalaw muna sa puntod ng ina at kapatid, bago nagdiwang ng kaarawan

SINO kaya ang makatutulad kay Superstar Nora Aunor, na bago nag-celebrate ng kanyang 60th birthday ay nagtungo muna sa puntod ng  mga magulang?  Dumalaw din siya sa kanyang kapatid na si Buboy.

Si Nora ang tumatayong mga magulang ng kanyang mga kapatid ngayon. Napaiyak nga si Guy noong dumating sa venue ng kanyang party ang mga Noranian.

More ore less 60 gifts ang natanggap niya sa mga faithful Noranian. Si Matet ang nag-lead ng prayer, bago nag-start ang celebration. Napaiyak, nagyakap ang mag-ina.

Hindi rin nakalimot bumati si  Cocoy Laurel. May indi movie si Guy,  ang Ang Kwento ni Mabuti directed by Mes de Guzman.

Jennifer, namimili na ng role

NAMI-MIS din ng dating aktres na si Jennifer Sevilla, ang pag-aartista, pero nalilibang sa kanyang wig shop sa Megamall. Lalo na ngayong kinuha n’yang model ang love doll ng amigang si Rita Avila.

At least daw, celebrity na rin si Mimay, kayat umaagaw ng atensiyon sa kanyang shop.

Masaya nga si Jennifer, nakumbinsi si Rita na gawing model niya si Mimay. Isang magaling na aktres si Jennifer pero namimili rin ng role na  gagampanan.

“Ayoko naman ‘yung kahit hindi bagay sa akin, tanggap lang ng tanggap,” ani Jennifer na happy sa kanyang lovelife ngayon.

(VIR GONZALES)

Scroll To Top