Thursday , 17 April 2014
Breaking News
You are here: Home » Opinion » Money ban ni Comelec Chair Sixto Brillantes may silbi pa ba sa Eleksiyon!?

Money ban ni Comelec Chair Sixto Brillantes may silbi pa ba sa Eleksiyon!?

00 Bulabugin

HINDI natin maintindihan kung ang itinutulak na MONEY BAN ni Commmission on Elections (Comelec) chairman sixtong ‘este’ Sixto Brillantes ay may KABULUHAN pa sa nalalapit na eleksiyon … ilang araw na lang po ‘yan.

Itinutulak ni Brillantes ang MONEY BAN, para hindi raw maging talamak ang VOTE BUYING.

Kung seryoso si Brillantes na arestuhin ang VOTE BUYING, dapat noon pa nila ipinatupad ang MONEY BAN.

Ang tanong lang natin dito, may KABULUHAN pa ba ang MONEY BAN ni Brillantes gayong ilang araw na lang ay ELEKSIYON na?

Sino bang POLITIKO ang maglalabas ng KWARTA sa BANKO sa ganitong PANAHON?

‘Yung mga politikong  SMALL TIME lang. Pero ‘yung mga malalaki  lalo na ‘yung  nagtataguyod ng POLITICAL DYNASTY, nakaimbak ang kanilang SALAPI sa kanilang BAHAY o VAULT.

Hindi nila kailangan magpabalik-balik sa banko para maglabas ng kwarta.

E anong silbi ng MONEY BAN ni Brillantes?!

Ano ka ba naman Chairman sickto ‘este’ Sixto?!

Parang masabi lang na nag-iisp ka at nag-i-effort na LUMINIS ang eleksiyon sa Pinas ‘e nagpapakontrobersiyal ka pa …

Abogago ‘este’ Abogado ka ‘di ba?

S’yempre alam na alam mo ‘yung  tinatawag na BANK SECRECY LAW.

Kaya alam mong walang BANKO na papayag d’yan sa MONEY BAN mo.

Pati pa pag-ikot ng ekonomiya ng bansa pinakikialaman mo na ngayon Chairman Brillantes? Manang-mana ka talaga sa ‘boss’ mo na ang gusto ‘e laging nakaimbak sa TREASURY ang kwarta ng bayan.

Ayaw paikutin ang salapi.

Kaya kahit sabihin pang tumaas ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa ‘e hindi man lang ito sumayad sa kumakalam na sikmura ng mahihirap na Pinoy.

Kasi nga walang umiikot na KAPITAL, kaya sandamakmak ang mga Pinoy na walang trabaho.

Anong matatag na industriya ang lilikhain ng natutulog na salapi sa TREASURY?

S’yempre dahil walang industriya, ang karaniwang trabaho ng mga Pinoy nakapagtapos ng KOLEHIYO ay pawang sa call center, sales crew at iba pang uri ng trabaho sa ilalim ng service industry.

Hanggang sa gaganaping ELEKSIYON sa LUNES, ganyan ang gustong mangyari ni Brillantes …

Sayang ang sandamakmak na LAW BOOKS na binasa at pinagsunugan mo ng KILAY Chairman Brillantes, kung hindi mo naiintindihan ang simpleng pag-ikot ng ‘KAPITAL’ sa isang lipunan.

ESEP-ESEP ka nga Chairman SIXTONG!

‘ELECTION’ BIDDING’  SA PASAY CITY LUMALARGA NA!

NAG-UUMPISA na raw ang election bidding sa Pasay City.

At gumagapang na raw po ‘yan sa bawat barangay.

Ang eksampol ng bidding ay ganito, kapag naging NUMBER ONE sa botohan ang isang KONSUHOL ‘este’ KONSEHAL sa isang BARANGAY ay maliwanag na P30 mil raw ang premyo ng Chairman d‘yan.

(Parang naisubi pa ‘yung P20 mil ng kung sinong ‘kontraktor ‘ bwahahaha!)

Ang balita kasi natin, P50 mil talaga ‘yan!

Ang mga kandidato para sa No. 1 konsehal ay sina Advincula, Padua at Moti Arceo.

Mas lamang raw si Moti Arceo, dahil may malaking tara ‘este mali’ ‘suportado’ raw siya ng iba’t ibang transport groups sa Pasay!?

Kaya naman pala ‘gumagapang’ na rin ang LAGLAGAN.

Balitang-balita na inilaglag na si vice mayoralty candidate ONIE BAYONA.

Inilaglag ng MAYOR niyang si TONY CALIXTO in favor of MARLON PESEBRE.

Balita kasi na si PESEBRE ang dinala ng Iglesia ni Cristo (INC).

Bukod d’yan, gusto raw mahatak ni TO-CALIX ang violet group ni Connie Dy.

Kung totoo ‘yam, SORRY ka na lang … Pareng ONNIE. Ikaw naman kasi nagpalangoy-langoy ka pa … do’n ka pa nag-swimming sa isinusuka na sa Pasay!?

By the way Chairman Brilliantes, gusto mo bang makahuli ng VOTE-BUYING?

Pa-monitor mo agad ang HATAGAN na nagaganap umano sa isang headquarters sa kanto ng F.B. Harrison at Libertad streets.

Pakitanong kay Abel Alvina?

‘Yan po ang lantarang VOTE BUYING sa Pasay City …

Hindi na tayo nagtataka kung bakit hindi nawawala ang ngiti sa labi nina Emi at Tony Calixto …

Ang tanong natin … PAPAYAG ba ang mga PASAYEÑO sa kakarampot na kwarta kapalit ng milyon-milyon ninanakaw ng ilang kandidato sa Pasay City?

Sabi nga ng mga nakausap ko sa Pasay, kahit sino … ‘wag lang ‘yun dating nakaupo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.898.999.1 o mag-email saJERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

00 ALAM goes bad new

Scroll To Top