Friday , 25 April 2014
Breaking News
You are here: Home » Bulabugin » MPD-CIDG pasok sa ‘timbre-huli!?’ (Attn: PCS Francisco Uyami Jr.)

MPD-CIDG pasok sa ‘timbre-huli!?’ (Attn: PCS Francisco Uyami Jr.)

00 Bulabugin

NAMAMAYAGPAG ngayon ang ilang ng Manila Police District-Criminal Investigation and Detection Group (MPD-CIDG) kaugnay ng timbre-huli operations nila sa mga ilegalista sa Maynila.

Base sa impormasyon na nakarating sa atin, ilan buwan nang nagsagawa ng anti-illegal gambling and vices operation ang mga tauhan ng MPD-CIDG na pinamumunuan ng isang  C/Insp. Manuel.

Ayos na sana ang isinasagawang RAID laban sa mga ilegal na sugal sa Maynila, pero ang sumunod na pangyayari,  makaraang mahuli ang 1602 personnel at mga operator ay biglang lumalamig na sila sa kanilang kampanya laban sa ilegal na sugal.

Dalawang nagpapakilala na taga-MPD-CIDG na sina alyas TATA VICKS at TATA BOTE ang nangangasiwa raw sa ‘TIMBREHAN’ ng mga ilegalista sa kanilang opisina.

Marami nga raw huli pero sa bandang huli ay nagka-CASH-ayusan lang daw kapalit ng hindi pagsampa ng kaso at protection sa 1602 operator!?

Matindi na sa pitsaan raw talaga ang dalawang bagman … may goodwill money na, may timbrehan pa na linggohan!

Sa isang operation nila kamakailan na 10 katao ang binitbit nila sa kanilang opsina ay tig-tatlong libo kada ulo ang for the boys at may particular pa si hepe na P50 libo!?

Sonabagan!!!

Akala ko ba ang ‘NO TAKE POLICY’ ang ipinaiiral ni CIDG Director C/Supt. Francisco Uyami, Jr.?

Maj. Manuel, alam mo ba ang nangyayaring ito sa iyong opisina? Bakit pinapayagan mong gasgasin ng dalawang kumag ang iyong pangalan sa 1602 payola!?

Baka nakalimutan mo na ‘yong kinakaharap mo pang kaso mula sa vendors na hinuli mo noon sa Divisoria dahil sa pagkokonsinti sa katarantaduhan ng ilang tao mo!?

Ang lakas pa ng loob nina TATA VICKS at TATA BOYET na manakot na lahat ng hindi magbibigay ng ‘TARA’ sa kanila ay pahirap at huli ang aabutin sa kanila!

Ipinagyayabang pa ng dalawang kamote na sila raw ang nasusunod sa kalakaran sa Maynila.

Sila raw ang may ‘say’ at hindi ang kanilang hepe!?

At ALAM mo ba Maj. Manuel, ang paboritong araw daw na mag-operate ang mga tulisan na bata mo ay araw ng Sabado at Linggo para raw makaiwas sa mata ng mga pulis-MPD!

Aba e kung hindi mo alam ‘yan ay malaking bukol pala ang inaabot mo sa dalawang kamoteng ‘yan!

PNP-CIDG Chief Gen. UYAMI, mukhang nagkamali ang mga bata mo sa MPD-CIDG sa iyong order na NO TAKE POLICY … ‘e TAKE GREASE POLICY pala ang ipinatututpad diyan?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.898.999.1 o mag-email saJERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

00 ALAM goes bad new

Scroll To Top