Friday , 18 April 2014
Breaking News
You are here: Home » News » Munti mayor, 2 bodyguard nang-harass

Munti mayor, 2 bodyguard nang-harass

ISANG Franz Diego C. Brila, 16, ng Esporlas Itaas, Brgy. Putatan, Muntinlupa City, ang nagrekalmo na siya’y tinakot at sinakal ng 2 bodyguard ni Muntinlupa Mayor Aldrin San Pedro nang magdaos ito ng political caucus nu’ng Abril 17, 2013 sa nabanggit na barangay.

Ayon  sa reklamo, isang Nelson A. Brila, lider ni BoC Commissioner Ruffy Biazon,  at ama ng biktima, bago magsimula ng  talumpati ang incumbent mayor ng Muntinlupa, hinahanap at pinagmumura nito si Nelson ng: ‘Asan yang si Nelson..humarap yan sa akin..manang-mana yan sa amo niya na masamang espiritu. Si Biazon dapat dyan sa taong yan ay sa sementeryo patirahin….’

Dahil sa pagmumura ni San Pedro kay Nelson Brila, may sumigaw mula sa manonood ng: ‘iba naman… huwag naman’…at may nag-boooo!’

Ayon sa mga nakasaksi, agad dinaluhong at dinakma ng mga bodyguard ang batang Brila pero nakahulagpos ito subalit muling dinakma at sinakal sa leeg at sa pagpupumiglas nito ay bumakat sa leeg nito ang mga daliri ng bodyguard.

At sa tulong ng mga kapitbahay, kanilang naagaw mula sa mga bodyguard ni San Pedro ang binatilyo. Agad naman sumaklolo ang ama sa anak pero siya namang pagdating ni San Pedro na agad tinapos ang talumpati, at siya  ang binalingan para muling pagmumurahin at pinagbantaan pa: ‘Baka gusto mong sa sementeryo na tumira at manahimik…’

Sa ganoong sitwasyon, tinawagan ni Neslon si Comm. Biazon at pinayuhan ng huli na umiwas sa gulo na siya namang sinunod nito at umuwi sa kanilang bahay.

Agad nagpa-blotter sa himpilan ng pulisya ang mag-amang Brila. Subalit, dahil si Mayor San Pedro ang inireklamo, walang gustong kumuha ng report. Kesyo, wala raw taong pipirma sa blotter at kung anu-ano pang dahilan ang sinasabi ng desk officer na si PO3 Raynaldo B. Bathan, at tumanggi pang ipa-blotter ang mga pananakot ni Mayor San Pedro kungdi ang reklamo na lang ng anak.

“Hindi pa rin kami nakakuha ng police blotter kaya nagtuloy nalang kami sa Muntilupa Medical Center kasama ang dalawang nakasaksi sa pangyayari, para magpa-medico legal kami,” pahayag ng matandang Brila.

Sinusulat, inihahanda na ang kaukulang reklamo laban kay Mayor San Pedro at sa mga bodyguard nitong nang-harass at nanakit kay Franz Diego Brila.                (HNT)

Scroll To Top