Sunday , 20 April 2014
Breaking News
You are here: Home » Showbiz » Paolo, pangangatawanan na ang pagiging bading? (Excited kay Derek Ramsay )

Paolo, pangangatawanan na ang pagiging bading? (Excited kay Derek Ramsay )

KAHIT nalilinya sa pagbaba-ding si Paolo Ballesteros, pangarap niya talagang mapasabak sa action. Kaya naman happy at excited siya sa pagkakasali sa Kidlat, ang fantasy serye ng TV5 na pinangungunahan ni Derek Ramsay.

Si Paolo ang latest addition sa Kidlat, ang highest rating TV series ng Kapatid Network. Dito’y gaganap siya bilang si Warla, isa sa bagong kalaban ni Kidlat. Si Paolo si Warla, ang mujer na may kakaibang lakas at galing sa martial arts.

“Actually ang gusto kong role ay iyong action, kaya magagawa ko iyan dito sa Kidlat. Gusto ko talaga iyong may matitinding bakbakan scene kami rito ni Derek e,” saad ni Paolo.

“Malaking challenge sa akin na ang kalaban ko ay isang superhero at Derek Ramsay pa. So, inaabangan ko talaga, sana may matitinding bakbakan scene kami rito ni Derek. Dito kasi sa Kidlat, ako talaga si Walter kapag tao, pero ang kaibahan nito, si Walter ay hindi strong na bakla,” seryosong dagdag niya.

Game na ba siya sa role niya bilang Warla na isa sa kaaway ni Kidlat? “Malakas naman ako e, kahit nga patakbuhin nila ako na naka-high heels sa rough road ay kaya ko e.”

How about ‘yung fight scene with Derek, handa na ba siya? “Oo, basta huwag lang siyang mai-in love sa akin ha, kasi trabaho lang ito e,” pabirong saad niya.

“Sana nga ay kami ang magkatuluyan e,” pahabol pa niya.

Paano ide-describe si Derek? “E ‘di masarap, parang tuna,” nakangiting sagot ni Pao.

Hinggil naman sa kanyang pagbabading sa TV, itinuturing niya itong bahagi ng kanyang trabaho kaya wala siyang keber kung madalas na gumanap ng papel na bading.

“Hindi ko nga alam kung bakit ganoon e, kasi ako naman, kung ano lang ang ibigay na trabaho ay okay lang.”

So, pangangatawanan na ba niya ang pagiging bading, sa TV o movies man?  “Oo, go lang … sa akin naman hangga’t may pumapasok na trabaho, kay bakla man o lalaki man, basta go nang go lang,” nakatawang wika niya.

John Lloyd, apektado sa mainit na laplapan nina Angelica at Piolo?

MATINDI ang naging laplapan o kissing scene nina Angelica Panganiban at Piolo Pascual sa Apoy Sa Dagat ngABS CBN. Pero sinabi ng aktres na parang patikim pa lang daw ito at mas may mga matitindi pang eksenang ganoon na susunod.

Itinanggi rin niyang naa-apektuohan ang kanilang relasyon ng kasintahang si John Lloyd Cruz ng mga ga-nitong nakakikiliting eksenang ginagawa niya bilang aktres.

“Ewan ko, mukhang okay naman. Pinanood naman namin iyong One More Try. Dito naman sa show, tuwang-tuwa naman siya. Siyempre natutuwa siya kapag nababalitaan niya na mataas iyong ratings ng show, ganoon. Tapos maganda naman iyong mga sinasabi niya na tataas pa iyan,” nakatawang wika ng aktres.

Ayon pa kay Angelica, kahit busy sila kapwa ni Lloydie ay may panahon pa rin naman sila para sa isa’t isa. Natutuwa rin daw siya sa muling pagbabalik ng tambalan nina Lloydie at Sarah Geronimo via the movie na It Takes A Man And A Wo-man na siyang third and last instalment ng highly successful nilang movie na A Very Special Love.

Ayon kay Angelica, hindi rin siya magseselos kailanman kay Sarah dahil pumipila pa siya talaga lagi sa movie ng singer/actress at ni Lloydie.

“Pumipila ako sa sinehan noong dalawang pelikula nila. Sa first day talaga. Fan na fan ako ni Laida at ni Miggy. Saka nakakikilig sila e, iba iyong dating nilang da-lawa,” esplika pa niya patungkol sa karakter nina Lloydie at Sarah sa naturang pelikula.

Nonie V. Nicasio

Scroll To Top