Thursday , 24 April 2014
Breaking News
You are here: Home » Opinion » Multo sa BAlete, San Isidro, Nueva Ecija at ang multo ng nakaraan ni Jun Lozada

Multo sa BAlete, San Isidro, Nueva Ecija at ang multo ng nakaraan ni Jun Lozada

00 galugadKUNG sa Quezon City mayroong Balete drive na matagal ng tampulan ng kuwentong katatakutan, meron din daw lugar na kung tawagin ay Balete sa San isidro, Nueva Ecija na marami na ang namatay. Huli sa naaksidente rito ay si Perry Rayon a matagal na nating katuwang at kaalalay. Nagsilbi si Perry bilang security ko noong 2000 pa matapos mapatay ang aking nakababatang kapatid na si ERA sa Gapan City.

Nitong nakaraang araw ng Linggo, naaksidente si Perry sakay ng kanyang motor sa lugar ng Balete. Malala ang mga sugat niya. Aniya, notorious na ang lugar na iyon sa mga aksidente. Mayroon na raw mga namatay doon na tatlong estud-yante.

Isang Aling Myrna na residente sa lugar ang nagsabing minsan daw ay may mga nakakita pa rito ng isang puting kabaong. Ang kababalaghan at aksidente ay nangyayari lamang sa tuwing sasapit ang dilim, mga bandang 7 p.m. Sa probinsiya kasi alam naman ninyo, mga kanayon, na pagsapit ng hapunan halos wala nang tao sa lansangan.

Ayon kay Perry, tila ipinapalo sa kalsada ang mga naaksidente rito. Umaangat ang likurang gulong hanggang mawalan ng control ang driver at hayun na. Kundi sa hospital, sa sementeryo ang bagsak mo.

Hindi kaya mga multo o GHOST ROAD PROJECTS ang dahilan? He he he …  Ano man ang kababalaghan, milagro o kalokohan ng lokal na pamahalaan diyan, sana si Perry na ang huling biktima ng aksidente.

•••

‘MULTO’ NI JUN LOZADA

Nagsisimula na akong bumilib kay Pangulong Aquino. Tila ang mga pananaw ko noon laban sa kanyang pamamahala ay nagbabago na. Mara-ming magagandang bagay ang ipinakikita ni PNoy. Una siguro dito ay ang talagang pagiging KONTRA-CORRUPTION niya. Well, bagamat sa paligid pa rin niya meron pa rin DUMIDISKARTE. Sa pali-gid at sa ilalim. He-he. Una, ang ekonomiya. Mabilis ang pag-unlad bagamat hindi pa nararamdaman ng lahat ang kasaganaan kung mayroon man talaga. Baka kasi pansamantala lang itong lahat. Malalaman natin.

Nitong huli naman, magandang balita para sa akin ang paglalabas ng ARREST WARRANT kay JUN LOZADA na umiyak-iyak pa noong nag-witness sa NBN-ZTE broadband deal na tadtad ng kalokohan. Bago pa man lumantad si Lozada, marami na ang balitang may ka-tarantaduhan din at nakinabang din sa pwesto.

Ngayon, may inilabas na warrant sa kanya  ang Sandiganba-yan. Ibig sabihin, may ebidensiya laban sa kanya sa bintang na GRAFT kaugnay ng ilegal na transaksiyon sa lupa, involved ang kanyang mga kamag-anak. TIME TO FACE THE MUSIC AND DANCE, MR. LOZADA.

Noon pa man sinabi ko na, hindi sapat ang magpakabayani. Ang tunay na nagbago ay dapat humarap sa kaso at MULTO NG NAKARAAN. Kung si Kristo nga walang kasalanan ipinako sa krus. ‘Yun pa kayang mga nagpasasa rin noong panahon ni Arroyo?

Sa ganang akin, kung may malakas na ebidensiya, nawa’y magsama-sama sila sa kulungan nina GMA. Maganda sa maganda na nagisi si Lo-zada. Pero ginawa lang niya ito noong naipit na siya. GRACEFUL EXIT? Hmmmmm.

Sa tingin ko kalokohan ang sinasabing harassment ng NBI at pulis kay Jun. Palusot at alibi na lang niya iyan. Dapat pinatunayan niya sa korte na wala talaga siyang kasalanan. Ngayon, ikinakanlong siya ng mga pari at madre. My goodness!

Sa Pinas pala kahit gaano kalaki ang kasala-nan mo magsisi ka lang at magtago sa sotanan ng kaparian ‘e ligtas ka na? ‘Wag ganun!

Kung ako sa ‘yo, Mr. Lozada, humarap ka na sa mga kaso na ‘yan. DAHIL ANG KATOTOHA-NAN ANG MAGPAPALAYA SA IYO AT SA ATING LAHAT!

Joel M. Sy Egco

Scroll To Top