Wednesday , 23 April 2014
Breaking News
You are here: Home » News » Mag-asawang Gunigundo nanguna sa mock polls

Mag-asawang Gunigundo nanguna sa mock polls

NANGUNA ang mag-asawang re-electionist Rep. Magtanggol Gunigundo at mayoralty candidate Adel Gunigundo, gayundin ang kanilang vice mayoralty candidate na si Councilor Khay Pineda, pawang kandidato ng Lakas-CMD, sa ginanap na mock voting ng “Valenzuela District 2 Voters Group” na pinamahalaan ni Admin Rolando Lansigan, kaugnay sa nalalapit na May 13, 2013 elections.

Sa mock polls na idinaos sa buwan ng Enero 2013 para sa kongresista ng Valenzuela City (District 2), nakakuha si Rep. Gunigundo ng 54.28%; pumangalawa si journalist Pablo Hernandez (Independent, Kapatiran Party adopted candidate), 38.57 %; at panghuli si Councilor Shalani Soledad-Romulo (misis ni Pasig City Rep. Roman Romulo, Liberal Party), 7.14 %.

Nanguna sa mock polls si Rep. Gunigundo dahil sa programa niyang “MAGInhawang buhay kapag may Gamot, Gamit at Gobyernong maasikaso”; pumangalawa si Hernandez, na may platapormang “Barangay Development and Assistance Fund (BDAF) na ang layunin ay tanggalin sa kontrol ng congressman ang pork barrel at ipamahala ito sa barangay, dahil sa barangay ay may check and balance (1 chairman, 7 kagawad, 1 SK chairman at 7 SK kagawad na ang mamamahala sa pork barrel para sa mga pagawaing pambarangay at pagbibigay tulong sa mga nangangailangan), hindi tulad sa Priority Develoment and Assistance Fund (PDAF) na congressman lang ang may kontrol sa pork barrel; at nangulelat si Soledad dahil hindi nagustuhan ng karamihan sa taga-Valenzuela City ang pagkandidato niyang (Shalani) congresswoman ng Valenzuela gayong kandidatong congressman din ng Pasig City ang mister niya na si Rep. Romulo.

Sa mayoralty race, nanguna ang misis ni Rep. Gunigundo, na si Adel Gunigundo na nakakuha ng 70.58%; pangalawa si 1st District Rep. Rex Gatchalian (Nationalist People’s Coalition), 26.47 %; at panghuli si Danilo Bonifacio (Independent), 2.94 %.

Sa vice mayoralty race, nakakuha si Councilor Khay Pineda ng 63.63 % at si Vice Mayor Eric Martinez (LP) ay 33.33 %.

HNT

Scroll To Top