Tuesday , 18 June 2013
Breaking News
You are here: Home » Breaking News » Shabu tiangge buking sa loob ng Immigration jail — PDEA

Shabu tiangge buking sa loob ng Immigration jail — PDEA

012913_FRONT
KINOMPIRMA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagsagawa sila ng anti-illegal drug operation sa loob ng Bureau of Immigration (BI) detention facility sa  Camp Bagong Diwa, Bicutan City, nitong nakaraang linggo at naka-kompiska sila ng dose (12) gramong  methamphetamine hydrochloride na mas kilala sa tawag na “shabu”  mula sa dalawang dayuhang detinido.

Ayon kay PDEA Director General Arturo Cacdac, ang operasyon ay pinangunahan ng PDEA Special Enforcement Service (SES), na may kasamang  “K-9” units sa pamumuno ni Lexington Alonzo, Intelligence Agent (IA) V, sa isang biglaang inspeksyon sa pasilidad ng BI detention cell noong Enero  25 matapos ang koordinasyon sa tanggapan ni  BI commissioner, Ricardo David, Jr.

Ang illegal na droga ay nakompiska sa isang  Allen Lee Lao at isang Tigor Hasonagan Shianipar, na ang nasyonalidad ay hindi pa makompirma sa dahilang si BI spokesperson at acting intelligence division,  Atty. Antonette Bucasas ay nasa ibang bansa.

Wala ni isang opisyal ng  BI ang gustong magpahayag hinggil sa insidente dahil sa umano’y takot na baka kastiguhin ni Comm. Ric David.

Samantala, matapos madiskubre ang nasabing  “shabu tiangge” sa loob ng BI detention cell, kaagad na sinibak ni Comm. David ang warden na si  Protacio “Boy” Arcilla.

Batay sa PDEA Intel report, ang mga suspek na Tsinong tulak na nasakote sa loob ng BI detention cell, ay siya rin supplier ng shabu sa iba pang mga detainees sa nasabing kulungan.

Ang nasabing bentahan ng droga sa loob ng pasilidad ng BI ay naisasagawa dahil umano sa proteksyon at pakikipagsabwatan ng ilang tiwaling opisyal at civil security unit ng BI.

Bukod sa paglaganap ng illegal drugs, may report rin na merong pang karagdagang  ‘comfort women,’ iba’t ibang alak at iba pang bisyo na pinapayagang maganap sa loob ng nasabing detention cell ng BI.

Ang mga suspek ay sinampahan na ng kaso sa Taguig Prosecutors Office sa paglabag sa sec. 11 at 12 ng RA 9165 kamalakawa Enereo 28 Lunes).

Samantala, ilang media na naka-beat sa BI main office ang nagpahayag na may news blackout na pinaiiral ang BI-Ocom.

“Si Comm. David ay nagbaba umano ng kautusan sa lahat ng opisyal ng BI na huwag pag-usapan ang nasabing issue lalo na sa mga taga-media” dagdag pa ng isang tabloid reporter.

JSY

About hatawtabloid

Scroll To Top