ALAM ni Rocco Nacino na nag-Bangkok si Sheena Halili at doon nag-celebrate ng kaarawan.
“Oo nakita ko ‘yung Twitter niya. Binati ko sa Twitter Atsaka tinext ko rin,” sey niya sa presscon ng kanyang pelikula naI love You, Pare Kodirected by Buboy Tan under Krix Film Production.
Sabi nila ROON nag-move-on sa Bangkok si Sheena?
“’Di mabuti kasi ako nasa process din naman ako, eh! Kahit paano we had a thing going on, almost two years din ‘yun pero hindi na naminitinuloy.”
May mga bali-balita na tila na-hurt si Sheena sa ginawa niya umano.
“Ginawa ko? May ginawa ba ako? Siyempre when things aren’t the same kahit paano may hurt na nangyayari pero ngayon it’s not like that.”
Wala daw talagang third party sa sinasabing break-up nila.
“Wala, wala, wala.”
Ano talaga ang rason?
“Wala, sa amin na lang ‘yun, kumbaga. It’s something between us na lang. Pero iyon nga we don’t go out that much anymore.We talk, oo, but we don’t go out na, hindi na kami nagkikita.
“Matagal na.”
May napag-awayan ba sila?
“May napag-awayan pero napag-usapan din.”
Nami-miss ba niya si Sheena?
“Nami-miss din siyempre.Tagal din naming naging special sa isa’tisa kaya nakaka-miss din,” sey pa niya.
Nililigawan ba niya ngayon si Lovi Poe?
“Hindi ako nanliligaw sa kanya.”
Ayon sa tsismis,nakikita sila sa Rockwell madalas ni Lovi.
“Mga one month na nga ‘yun, eh. Kaming dalawa lang tapos dumating ‘yung mga kaibigan niya kasi may common friends kami eh. ‘Yung circle of friends namin kumbaga tumatama kaya nagkikita kami.
“Pero matagal na ‘yun, this week puro tapings.”
Magkaibigan lang daw sila.
“Hohol, hang-out, hang out lang,”sey pa niya.
Ang HOHOL nila ni Lovi, saan puwedeng mapunta iyon?
“That I don’t know. Kapag tinatanong sa akin ‘yan sabi ko kung anong mangyayari, mangyayari rin.
“Hindi ko inuunahan para maganda, maganda ‘yung relationship namin on and off cam, working and non-working relationship.
“Gusto kong mag-focus sa sarili ko.
“Pero masayang-masaya ako na ganito kami ka-close ni Lovi.”
Samantala, gay na naman ang role niya saI Love You Parena showing sa February 6.
“Dito sa I Love You Pare, ito may pagka-comedy, nakakatawa, may pagka-all-out.
“Walang love scene, hindi naman all-out na ganoon.”
Kung gay movie na may torrid kissing or love scene sa kapwa niya lalaki, papayag si Rocco?
“Hindi pa siguro. Siguro bigyan ninyo ako ng two years pa, papayag ako, kapag malalim na malalim na ‘yung acting ko.”
Papayag na siya…
“Posible ‘yun, oo. Kasi hindi basta-basta gawin ‘yun, challenge ‘yun.
“Nakakanood ako ng mga American film, straight sila pero kaya nilang gawin ‘yun so gusto ko‘yung ganoon kalalim ang craft ko.
“Siguro one or two years, tingnan natin. I’m not getting any younger, 25 na rin ako so it’s good to explore,” sey pa niya.
KWENTO NATIN ‘TO, SABAY NA INILUNSAD SA 60 TAON NG ABS-CBN
BINIGYANG-pugay ng ABS-CBN ang 60 taon nitong pagsasama sa bawat Filipinong masugid na sumusubaybay sa kanila sa loob ng anim na dekada sa ginawang paglulunsad ng kampanya para sa pagdiriwang ika-60 anibersaryo ng Kapamilya Network bilang isang media institution na nagsimula at nagtatag ng industriya ng telebisyon sa bansa.
Ang kampanya para sa ika-60 taon, na may temangKwento Natin ‘To,ay kikilala sa kuwento at karanasan ng bawat Filipino na siyang humulma sa ABS-CBN para maging numero unong TV network sa bansa at siyang humihimok sa mga empleado nito na patotohanan at isabuhay ang motto ng kompanya na “in the service of the Filipino.”
“Ang ABS-CBN ay binubuo ko, ikaw, at bawat empleado nainialay ang kanilang mga sarili para maging ‘in the service of the Filipino.’ Ito ang ginagawa natin sa nakaraang 60 taon at ito ang patuloy nating gagawin habang ang ABS-CBN ay nananatiling nakatatag bilang isang TV network,” sabi ni ABS-CBN Chairman at CEO Eugenio “Gabby” Lopez III sa kanyang talumpati.
“Ang ‘Kwento natin to’ ay hindi tungkol sa kuwento ng ABS-CBN kung hindi kuwento ng bawat isang Filipino. Ang telebisyon ay isang mahiwagang kahon na naglalaman ng makukulay nating karanasan, emosyon, pangarap, imahinasyon, at iba pang mga aspeto ng ating pagkatao at pagka-Filipino,” sabi naman ni ABS-CBN President and CEO Charo Santos-Concio.”Ang pagdiriwang natin ng ika-60 taon ay ang ating paraan para pasalamatan at bigyang pugay ang kapwa nating mga Filipino.
Iginiit din ni Concio na ang telebisyon ay naging bahagi na ng pang-araw-araw na buhay na ng mga Pinoy. “Para sa kanila ang mga drama at comedy ay salamin ng kanilang tulad na buhay. Ang news naman ay salamin ng kanilang realidad sa araw-araw at ng kanilang tibay sa pag-ahon sa buhay. Ang mga talent at reality showay salamin ng kanilang mga pangarap. Ang variety shows ay salamin ng kanilang kasayahan sa piling ng pamilya at mga kaibigan.”
Ngunit nilinaw niya na ang sambayanan ay walang utang na loob sa ABS-CBN bagkus, ABS-CBN ang may utang na loob sa sambayan dahil ang lahat ng hirap at pagod na pinagdaraanan ng bawat Kapamilya ay dulot ng inspirasyon hatid ng makukulay na kuwento ng mga mamamayan.
Kaya naman patuloy na magsisilbing inspirasyon ang mga ito para isulong pa nila ang industriya. Sabi ni Lopez, patuloy na mangunguna ang ABS-CBN sa paglulunsad ng mga natatanging proyekto at inobasyon ngayong taon gamit ang mga estratehiyang babago sa pamamaraan at kalakaran sa industriya.
“Patuloy nating pakikinggan kung ano ang gusto ng mga manonood o mga konsyumer at ito ang gagamitin natin para pag-ibayuhin ang mga produkto at serbisyong handog nating sa kanila.”
Hataw Tabloid D'yaryo ng bayan
