DAHIL sa kawalan ng batas sa Freedom of Information (FOI), malaki ang posibilidad na mauwi ang halagang P400 bilyon kada taon sa bulsa ng mga corrupt na opisyal ng gobyerno at mga kakutsaba nito, ayon sa dating may-akda ng FOI bill.
Base sa mga datos mula sa international watchdog na Transparency International, sinabi ni dating Manila Rep. Benny M. Abante, Jr., na hindi bababa sa 20% ng ka-buuang budget ng gob-yerno ang nawawala sa korupsyon dahil umano sa kawalan ng transpa-rency.
“Hindi natatakot ang mga tiwali dahil walang kapangyarihan ang publiko na alamin ang kanilang mga transaksiyon. Sa taon lamang na ito, mahigit P400 bilyon ang mananakaw, kasing ha-laga ng budget ng Education, Health, Agriculture, and Social Welfare department. Malaking kabawasan ito para mabigyan ng mas magandang serbisyo ang mamama-yan,” ani Abante.
Bilang ex-chairman ng Committee on Information sa Kongreso, nanawagan si Abante sa mga kasamahan na huwag ng magpakaang-kaang pa sa pag-apruba sa naka-binbing FOI bill.
“Kung bibigyan ng karapatan sa impormas-yon ang mga Filipino, magiging empowered tayo. Hindi na tayo ma-loloko dahil masisilip na natin ang mga proyekto. Ito ang unang hakbang para mapaigting ang genuine accountability at transparency sa gobyerno. Kung walang FOI, patuloy na mauuwi sa mga kickback ang bil-yong halaga mula sa mga secret deals at under-the-table transactions,” dag-dag pa ng dating mam-babatas.
Nakatatawa umano na bagamat ang Filipinas ay ang unang republika sa Asya, huli ito sa mga bansang nagpatupad ng FOI law.
“Panahon na para magising ang mga mam-babatas sa katotohanan na ang freedom of information ay kalayaan din natin laban sa kuko ng korupsyon at kahirapan. Kung may transparency, walang makapagnana-kaw,” diin pa ni Abante.
Ayon sa kanya, ang mga bansang Jordan, Indonesia at Thailand ay may FOI law. Halos 100 iba pang bansa sa buong mundo ay may FOI.
“Isandaang taon na tayong may kasarinlan at nasasaad ito sa Saligang Batas pero bakit hanggang sa ngayon ay wala tayong FOI law?” saad ni Abante.
Kinikilala ng 1987 Constitution ang karapatan ng taumbayan na alamin kung saan napupunta ang kanilang buwis at obligasyon ng mga o-pisyal na ipaalam at ilahad ang lahat sa mama-mayan.
“Huwag na dapat tatamad-tamad ang Kongreso,” diin pa ni Abante.
HATAW News Team
Shabu tiangge buking sa loob ng Immigration jail — PDEAKINOMPIRMA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagsagawa sila ng anti-illegal drug operation sa loob ng Bureau of Immigration (BI) detention facility sa Camp Bagong Diwa, Bicutan City, nitong nakaraang linggo at naka-kompiska sila ng dose (12) gramong methamphetamine hydrochloride na mas kilala sa tawag na “shabu” mula sa dalawang dayuhang detinido.
Ayon kay PDEA Director General Arturo Cacdac, ang operasyon ay pinangunahan ng PDEA Special Enforcement Service (SES), na may kasamang “K-9” units sa pamumuno ni Lexington Alonzo, Intelligence Agent (IA) V, sa isang biglaang inspeksyon sa pasilidad ng BI detention cell noong Enero 25 matapos ang koordinasyon sa tanggapan ni BI commissioner, Ricardo David, Jr.
Ang illegal na droga ay nakompiska sa isang Allen Lee Lao at isang Tigor Hasonagan Shianipar, na ang nasyonalidad ay hindi pa makompirma sa dahilang si BI spokesperson at acting intelligence division, Atty. Antonette Bucasas ay nasa ibang bansa.
Wala ni isang opisyal ng BI ang gustong magpahayag hinggil sa insidente dahil sa umano’y takot na baka kastiguhin ni Comm. Ric David.
Samantala, matapos madiskubre ang nasabing “shabu tiangge” sa loob ng BI detention cell, kaagad na sinibak ni Comm. David ang warden na si Protacio “Boy” Arcilla.
Batay sa PDEA Intel report, ang mga suspek na Tsinong tulak na nasakote sa loob ng BI detention cell, ay siya rin supplier ng shabu sa iba pang mga detainees sa nasabing kulungan.
Ang nasabing bentahan ng droga sa loob ng pasilidad ng BI ay naisasagawa dahil umano sa proteksyon at pakikipagsabwatan ng ilang tiwaling opisyal at civil security unit ng BI.
Bukod sa paglaganap ng illegal drugs, may report rin na merong pang karagdagang ‘comfort women,’ iba’t ibang alak at iba pang bisyo na pinapayagang maganap sa loob ng nasabing detention cell ng BI.
Ang mga suspek ay sinampahan na ng kaso sa Taguig Prosecutors Office sa paglabag sa sec. 11 at 12 ng RA 9165 kamalakawa Enereo 28 Lunes).
Samantala, ilang media na naka-beat sa BI main office ang nagpahayag na may news blackout na pinaiiral ang BI-Ocom.
“Si Comm. David ay nagbaba umano ng kautusan sa lahat ng opisyal ng BI na huwag pag-usapan ang nasabing issue lalo na sa mga taga-media” dagdag pa ng isang tabloid reporter.
JSY
Hataw Tabloid D'yaryo ng bayan

