DAHIL sa kawalan ng batas sa Freedom of Information (FOI), malaki ang posibilidad na mauwi ang halagang P400 bilyon kada taon sa bulsa ng mga corrupt na opisyal ng gobyerno at mga kakutsaba nito, ayon sa dating may-akda ng FOI bill.
Base sa mga datos mula sa international watchdog na Transparency International, sinabi ni dating Manila Rep. Benny M. Abante, Jr., na hindi bababa sa 20% ng ka-buuang budget ng gob-yerno ang nawawala sa korupsyon dahil umano sa kawalan ng transpa-rency.
“Hindi natatakot ang mga tiwali dahil walang kapangyarihan ang publiko na alamin ang kanilang mga transaksiyon. Sa taon lamang na ito, mahigit P400 bilyon ang mananakaw, kasing ha-laga ng budget ng Education, Health, Agriculture, and Social Welfare department. Malaking kabawasan ito para mabigyan ng mas magandang serbisyo ang mamama-yan,” ani Abante.
Bilang ex-chairman ng Committee on Information sa Kongreso, nanawagan si Abante sa mga kasamahan na huwag ng magpakaang-kaang pa sa pag-apruba sa naka-binbing FOI bill.
“Kung bibigyan ng karapatan sa impormas-yon ang mga Filipino, magiging empowered tayo. Hindi na tayo ma-loloko dahil masisilip na natin ang mga proyekto. Ito ang unang hakbang para mapaigting ang genuine accountability at transparency sa gobyerno. Kung walang FOI, patuloy na mauuwi sa mga kickback ang bil-yong halaga mula sa mga secret deals at under-the-table transactions,” dag-dag pa ng dating mam-babatas.
Nakatatawa umano na bagamat ang Filipinas ay ang unang republika sa Asya, huli ito sa mga bansang nagpatupad ng FOI law.
“Panahon na para magising ang mga mam-babatas sa katotohanan na ang freedom of information ay kalayaan din natin laban sa kuko ng korupsyon at kahirapan. Kung may transparency, walang makapagnana-kaw,” diin pa ni Abante.
Ayon sa kanya, ang mga bansang Jordan, Indonesia at Thailand ay may FOI law. Halos 100 iba pang bansa sa buong mundo ay may FOI.
“Isandaang taon na tayong may kasarinlan at nasasaad ito sa Saligang Batas pero bakit hanggang sa ngayon ay wala tayong FOI law?” saad ni Abante.
Kinikilala ng 1987 Constitution ang karapatan ng taumbayan na alamin kung saan napupunta ang kanilang buwis at obligasyon ng mga o-pisyal na ipaalam at ilahad ang lahat sa mama-mayan.
“Huwag na dapat tatamad-tamad ang Kongreso,” diin pa ni Abante.
HATAW News Team
Hataw Tabloid D'yaryo ng bayan

