Wednesday , 19 June 2013
Breaking News
You are here: Home » Bulabugin » Muntinlupa City Mayor Aldrin San Pedro eksperto rin sa ‘ghost’ making!?

Muntinlupa City Mayor Aldrin San Pedro eksperto rin sa ‘ghost’ making!?

00 Bulabugin
INUTUSAN na ng Ombudsman na magpaliwanag si Muntinlupa City Mayor Aldrin San Pedro at ang 34 iba pang opisyal hinggil sa pagkakasangkot nila sa multi-million peso “ghost purchases” at pitong ghost projects sa lungsod mula taon 2007, 2008, 2011 at 2012.

Sa ipinalabas na utos ni Assistant Ombudsman Marilou Ancheta-Mejica nitong nakaraang Disyembre na tinanggap ng City Hall officials nitong nakaraang linggo, pinagpapaliwanag si Mayor Aldrin San Pedro, Vice Mayor Artemio Simundac at pinaghahain ng kanilang counter-affidavits sa loob ng 10 araw.

Kasama rin sa pinagpapaliwanag ang 13 dati at kasalukuyang konsehal, 20 city officials, members ng city bids and awards committee and technical working group at ang may-ari ng mga pribadong kompanya na nanalo sa bidding ng tinutukoy na ghost purchases and seven ghost projects.

Nagugulat talaga tayo sa mga public administrator na napaka-EKSPERTO sa paggawa ng mga ghost projects, ghost purchases at ghost employees.

Ganyan ba ang itinuturo sa inyo sa PUBLIC ADMINISTRATION?

Tsk tsk tsk …

Ngayong election period na, malalagay na naman sa dilemma ang mga constituents. Mag-iisip na naman sila kung sino ang iboboto nila. Kung sino ang pagkakatiwalaan nila ng kanilang kaisa-isa at sagradong boto … pero kapag nakaupo na sa pwesto, hindi lang pagbabalewala sa kanilang constituents kundi tahasang panlalamang at panloloko sa pamamagitan ng pagwawaldas sa pera ng bayan …

Klasik na klasik na eksampol sa ganitong sitwasyon ang kasabihang: “’Wag kayong mag-aalala, hindi kayo mawawalan (dahil ‘ala na talaga) pero (lalong) hindi kayo magkakaroon.”

Pabirong sinasambit ‘yan pero sa totoo lang, totoong-totoo na nararanasan ‘yan ng mga constituent …

‘Yung tipong … “Joke only, but not really … “

He he he …

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.898.999.1 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

image description

About hatawtabloid

Scroll To Top