Friday , 24 May 2013
Breaking News
You are here: Home » Opinion » Mga bulok ng Senado umaalingasaw na

Mga bulok ng Senado umaalingasaw na

00 galugadMARAMING salamat kay Sen. Alan Peter Cayetano nang dahil sa kanyang pagbubunyag tungkol sa maling paggamit ng pondo ng Senado e unti-unting nabubulgar ang mga kalokohan doon. May isang boto na sa akin ang batang senador dahil sulit ang sambayanan sa kagaya niya.

Dahil sa kanya, malinaw na hindi maipaliwa-nag ni Senate President Juan Ponce-Enrile ang kanyang aksiyon nang ipamahagi ang SAVINGS ng kapulungan noong Pasko. Mantakin ninyo, mga kanayon, ginagamit ang MOOE o maintenance and other operating expenses bilang pandagdag sa budget lamang kung kakapusin. Unang nakapagtataka rito e kung bakit sa huling bahagi ng taon o pagsasara ng 2012 magpapamigay ng mil-yon-milyon sa mga miyembro niya. Hindi ba’t mas magandang isinauli na lamang ang sobrang sa-vings sa kaban ng bayan o sa NATIONAL TREASURY? Nagtatanong lang po, Manong JPE. Dahil katapusan na ng taon, anong MAINTENANCE pa ba ang kailangan gastusan? Wala naman na po, hindi ba?

Ganito ba ang sistema ng gobyerno? Pera ng taumbayan ‘yan e kapag sobra hinahati-hati na lamang ninyo? Gaano kalalaki ang mga bonus ba diyan? Magkano naman ang naging bonus ni Ma-dam Gigi Reyes kaya?

Oo nga at tama ang sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na walang masama.

Pero sana naisip ng mga Senador na mas MABUTING gumawa sila ng mabuting bagay. Idinagdag na lang sana nila ang pera sa mga ginagawang school buildings o idinagdag sa ano pa mang charity programs ng pamahalaan.

Mas marami pa siguro ang sumaya at hindi lang silang mga nasa Senate.

Bukod sa usaping pondo, nabunyag din ang umano’y romantikong relasyon ni Manong JPE sa kanyang chief of staff. Pero huwag na natin pakialaman ‘yun at matatanda na sila. Alam na nila ang tama’t mali.

Ang isa pang nakatutuwang isyu rito ay ang pagkakabunyag sa binabayarang SATTELITE OFFICE ni Sen. Miriam Santiago kung saan naroroon daw ang kabiyak na si Jun “El Sabungero” Santiago. Baka doon nagde-derby? Joke lang.

Ayon kay Lacson, makapal ang hawak ni-yang mga dokumento na maaaring maglagay kay Santiago sa ala-nganin. Matatandaang tinawag niyang CRUSA-DING CROOK si Madam Miriam.

‘Yan ang pagkakaiba ni Caye-tano sa kanila. Sa Senado, maraming nagmamalinis. Halos lahat. Pero halos lahat naman ay may dungis.

Ganunpaman, marami naman sa kanila ang matitino at masasabing may puso para sa bayan. Sino nga ba?

Anyway, keep up the good work, Sen. Alan Peter. Huwag ninyong isipin ang sinisingil na P37M na utang kuno ng inyong ama kay JPE. Sa totoo lang, mas maraming utang na kasala-nan sa bayan ang nagpaparatang. Tama ka. Noong panahong nagpapayaman si Manong malaki ang sakripisyo ng inyong ama sa poder niya.

Sapul!

About hatawtabloid

Scroll To Top