Sunday , 26 May 2013
Breaking News
You are here: Home » Opinion » Manila Hall of Justice

Manila Hall of Justice

00 joy to the world copyBlessed is the man who does not walk in the counsel of the wicked or stand in the way of sinners or sit in the seat of mockers—Psalm 1:1

DESIDIDO na pala ang ating butihing ALKALDE ALFREDO LIM na maitayo ang matagal nang nabinbin na plano para sa pagtatayo ng isang Hall of Justice.

Kapag nagkataon, magkakaroon na ng sariling pamamahay ang mga Judges at Prosecutors natin na ngayon ay nagsisiksikan sa 3rd, 4th at 5thfloor ng City hall.

***

ABA, good news ito para sa kanila, hindi na mahihirapan maging ang mga abogado at mga court employees sa maliit na court room at maiinit na singaw sa hallway.

Gaya sa mga korte sa Makati at iba pang Lungsod, posibleng centralized din ang aircon sa bagong Manila Hall of Justice na ipapatayo ng Alkalde.

Abangan natin ito mga Kabarangay!

NASOSOPLA NATIN SI ISKORAP

MUKHANG aligaga ngayon ang kampo ni OUTGOING VICE MAYOR ISKO MORENO dahil sa unti-unting natatalupan na ang mga kasinungalingan at paninira ibinabato sa ating butihing Alkalde Alfredo Lim.

Marami ang nagpapasalamat sa atin dahil agad nasasagot ng inyong lingkod ang mga mapanlinlang na mga pahayag ni Isko, lalo na kapag nasa session hall ito ng City Council.

***

GAYA ng mga nakaraan na ipasasara daw ng Alkalde ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM); gimmick lang daw ang proyektong Manila Financial District; pag-aalisin daw ang mga vendors sa lansangan at iba pa kung ano-anong panlilinlang,.

Kapag may ganitong mga isyu kailangan sagutin. Dahil kung minsan ang tsismis pag tumatagal nagiging totoo. At mabuti na lamang at agad nating nabubusalan ang bunganga ni Isko sa mga usapin katulad nito.

Sopla agad si Iskorap sa atin!

***

KAHIT wala sa topic, nagupumilit na magsingit ng mga patutsada at paninira si Isko kay Mayor Lim. Mas nagpapasikat ito kapag puno ng tao ang gallery. Mas humahaba rin ang kanyang litanya ng kasinungalungan kapag maraming nakikinig sa kanya.

Pero agad natin itong nahuhubaran. Naitatama natin ang mga maling pahayag na ibinibigay niya sa publiko. Salamat sa ating bossing Jerry Yap at bossing Joey Venancio, malaking tulong ang munting espasyong ito upang mailahad sa madla ang totoo sa likod ng mga pabula ni Iskorap!

Salamat ng marami!

***

NABUO ang ating kolumn dahil sa mga paninira ng kampo ni Isko sa ating siyudad. Akala mo ay hindi siya bahagi ng lokal na pamahalaan kung magsalita ng negatibo sa pamamahala ni Mayor Lim sa Maynila.

Nagsisisi tuloy ang inyong lingkod kapag naaalala ko nang minsan tanungin tayo ni Mayor Lim tungkol sa pagkatao ni Isko. Ang nasabi ng inyong lingkod ay mukha naman may modo, mabait. Pero sa likod pala ng kanyang maamo mukha (maamo o mabagsik na mukha) ay may lihim na agenda.

Poker face talaga!

ANG 65th GRAND

ALUMNI HOMECOMING

NG MANUEL A. ROXAS HS

DINALUHAN ni Mayor Lim ang ika-65 taong Grand Alumni Homecoming ng Manuel A. Roxas High School nitong Linggo. De kalibre pala ang mga nagsitapos dito dahil pawang mga successful at professional ang mga alumnus.

Public school lang ito, pero dito nagtapos ng high schoool si dating National Defense Secretary Orly ‘Kapwa ko, Mahal ko” Mercado at mga matataas na opisyal ng Manila City Government.

***

NAKUHA ng Alkalde ang suporta ng buong Alumnus ng Manuel A. Roxas High School, naniniwala kasi sila sa kakayahan at kasipagan ni Mayor Lim na mapaayos ang Lungsod.

Nakisalo pa ang Alkalde sa munting programa inihanda ng alumni at nagbigay ng mensahe sa libong alumnus na dumalo sa okasyon.

Mabuhay ang Manuel Roxas HS!

P/SUPT REYNALDO NAVA,

ACTION MAN SA TRAPIKO

BATIIN natin ang hepe ng Manila District and Traffic Enforcement Office (MDTEO) na si P/Supt Reynaldo Nava, dahil sa mabilis na pag-aksyon sa mga trapiko sa lansangan, Aksyon agad si Col. Nava kapag may nakakatangap ng reklamo kay Mayor Lim sa mga social media gaya ng facebook at twitter sa mga lugar na nakakaranas ng matinding trapiko sa lansangan.

Kabilang si Col. Nava sa pinapupurihan ng Alkalde sa mga opisyal na masipag na nagagampanan ang kanilang trabaho.

Good job!

***

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o text 0932-5641058 . Ang ating kolum ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

 

About hatawtabloid

Scroll To Top