NAG-AALALA SINA KIKO AT KRISTILLE SA ‘DI PAGPAPARAMDAM NI KUYA MARCO NILA
MISTULANG natuka ng ahas sina Kristille at Kiko nang marinig ang tanong ng doctor.
Sinabihan niya ang dalaga na huwag magsalita.
Siya na lang daw ang sasagot.
“Bakit n’yo po naitatanong ‘yan, doc?” tanong niya rito.
“Ah, wala…’di kasi kayo magkamukha eh!”
“Ganoon po ba? Kamukha ko po ‘yung tatay ko at siya nama’y kamukha ng nanay namin.”
Napabuntong hininga ang dalaga.
Akala nila may masamang iniisip na ang doctor.
Tsinek lang ang pulso ng dalaga.
Pati ang blood pressure niya.
Nagtataka nga sila at ‘di nurse ang gumagawa nito.
Marami ring ginawang tests sa dalaga.
Umalis naman agad ito matapos iyon.
Kinabukasan ay maaari na raw makalabas si Kris.
Nagpasalamat si Kiko bago ito tumalikod.
Ayusin na lang daw nila ang hospital bill.
Tumango si Kiko.
Pagkatapos, humarap uli siya kay Kristille.
Pinaalala muli sa kanya ng dalaga ang tungkol kay Marco.
Aalis na nga daw siya.
Iyon ang tiniyak niya sa dalaga.
Ipapa-blotter niya raw ang pagkawala nito.
Ngunit kailangan daw munang hintayin ang text o kaya’y tawag nito.
“Magpahinga ka muna kuya,” anang dalaga.
“Mamaya na lang,”
“Sige na, alam kong pagod ka na…”
“Ewan ko kung makakatulog ako nito.”
“Bakit naman?”
“Paano ako makakatulog nito eh wala si Kuya Marco.”
Humugot si Kristille ng malalim na buntong hininga.
“Oo nga, ako rin eh…’di rin ako makatulog. Pero pilitin mo kuya para makakuha ka ng lakas.”
“Thanks, Kris.”
“Mas lalo tayong manghihina kung ‘di tayo magpapahinga.”
Muli niyang nilapitan ang dalaga.
Pinisil niya ang palad.
Saka hinagkan niya ito sa noo.
(SUNDAN)
Hataw Tabloid D'yaryo ng bayan
