Wednesday , 19 June 2013
Breaking News
You are here: Home » Showbiz » KIM AT MAJA, DEADMAHAN NA ANG DRAMA (Magkaiba na ng dressing room at ‘di na nag-uusap)

KIM AT MAJA, DEADMAHAN NA ANG DRAMA (Magkaiba na ng dressing room at ‘di na nag-uusap)

00 MA AT PA_newNASIRA na pala talaga ang friendship nina Kim Chiu at Maja Salvador nang dahil kay Gerald Anderson.

Ayon sa nakausap namin na kasama ng dalawa sa seryeng Ina Kapatid Anak ng ABS-CBN 2, magkaiba na raw ng dressing room sina Kim at Maja, hindi na sila magkasama.

At nagkakausap lang daw sila kapag magkasama sila sa eksena.

012913 maja_kimDeadmahan daw talaga ngayon ang drama ng dalawa sa set ng nasabing serye.

JM, GUSTONG MAG-ACTION!

AYON kay JM de Guzman, sobrang napagod siya last year sa rami ng trabaho niya. Pero nagpapasalamat pa rin siya dahil itinuturing niya itong blessings.

“Nakapapagod ‘yung 2012 pero thankful ako kasi ‘yun na yata ‘yung year na sobrang daming pumasok na blessings sa buhay ko. May point na nahirapan siyempre, pero happy ako na 2013 na tapos moving pa rin.

“Goal ko ngayon, ganoon pa rin, magtrabaho nang magtrabaho. I plan to do better, mas maibigay ko pa ‘yung best ko,” sabi ni JM.

Isa sa mga goal this year ni JM bilang aktor ay subukan ang iba’t ibang klase ng roles.

“Gusto ko ‘yung mga hindi ko pa nasusubukan. Gusto ko ‘yung parang challenge sa akin. ‘Yung mga hindi ko pa nata-try, sana ma-try ko naman this year. Dream role ko ‘yung tipong mga patayan eh. ‘Yung parang giyera, tipong war movie. Puwede ring may espada,” natatawang sabi pa ni JM.

KASAL NINA DAIANA AT CONG. BENJO, ‘DI NA TULOY

PLANO na sanang magpakasal nina Daiana Meneses at boyfriend nitong si Cong. Benjo Benaldo next month. Pero hindi na ito matutuloy.

Ayon sa una, sa kalagitnaan na lang ng taon sila magpapakasal.

Tradition daw kasi sa Brazil na sagot ng ama ng bride ang kasal. Kaya lang hindi pa raw available ang ama dahil busy ito sa kanyang trabaho bilang isang businessman sa Brazil.

About hatawtabloid

Scroll To Top