Thursday , 23 May 2013
Breaking News
You are here: Home » Showbiz » Derek, ‘imaginary lover’ no more ni Ruffa

Derek, ‘imaginary lover’ no more ni Ruffa

00 STARNEWS_newNILINAW ni Derek Ramsay ang naging pahayag noon ni Ruffa Gutierrez na dahil sa pagli-link sa kanya sa aktor ay tinawag niya itong ‘imaginary lover’ as in, panaginip lang ang kanilang pagiging lovers.Walang napaniwala noon si Ruffa sa kanyang pagki-claim na walang namagitan sa kanila ng Kidlat star dahil kilala ito sa pagiging kilabot sa chicks.

Muling naungkat ang isyung naging ‘imaginary lover’ ng Kidlat star si Ruffa nang nagkatabi silang nakatayo at hinihintay ang kanilang cue for their spiel sa on-going noon na TV5 Trade Launch—GO5 na ginanap sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.Matatandaang nagsimula ang isyu noong nagsama sila sa TV5 launching sa Americaat umabot pa umano ang ‘romansa’ sa London Olympics.Nang gabing ‘yun ay may bulungan effect pa ang dalawa kaya muling nabuhay ang pagka-link sa kanila.

012913 Ruffa-Gutierrez“Sabi ko nga ba eh,” agad na pahayag ng aktor.”Kasi, nakatayo kami together on the stage, kasalanan ng direktor ‘yun na they put us together.No, Ruffa is my friend.You know, we got to know each other better on the launch of TV5 International.We went to the States and that was it.Yes, we were together in Europe for literally, 30 seconds.I was coming out of the restaurant, she was coming out of a taxi cab.”

Hindi ba kayo nag-usap ng matagal lalo pa, nasa ibang bansa kayo nagkita? “No, mamatay man. Tamaan man ako ng kidlat!”

Base sa kanyang kuwento,  katatapos lang nitong mag-report tungkol sa on-going Olympics kaya kumain muna siya sa isang nearby resto.Papalabas na siya sa resto na siya namang pagdating ni Ruffa na pababa ng taxi.  “Hi” and “Hello” lang daw ang kanilang tanging batian. Kasama ni Ruffa ang kanyang mga kaibigan at kasama niya ang kanyang manager pabalik ng hotel.

Taliwas sa tsikang hindi siya napanood sa nasabing international games, gabi-gabi siyang nagre-report at natural na hindi siya makita dahil hindi sa kanya naka-focus ang kamera kundi sa on-going Olympics. “Ang mga atleta natin dreamed for four years to represent our country. Ako ang nag-request sa kanila na huwag natin gawing istorya about me going to Europe, I’m from Europe, I’m from England.I want this to be a story about our athletes, it’s not about me.”

Dagdag pa nito, ”Ako lang ang magbabalita.I dont want a special treatment,I was commuting everyday.Napapanood ako sa news, it doesn’t matter, I was reporting the news.For me to be set over there and watch the best athletes in the world, that is a gift!I got to witness the Olympics in London, my home town.That would never happen again in my lifetime.”

Marami ang hindi na-impress sa kanyang Kidlat custome dahil hindi ito nakadagdag sa hunk image na ibinase sa costume ni Iron Man. Mas marami ang may gusto na dapat iginaya ito sa costume ni Superman o Spiderman para lalong ma-enhance ang matipuno nitong katawan.”The costume I really, really like, really feels me I’m a superhero.The guy who made the costume really give me a good advice na ‘dont let the costume wear you, you wear the costume.”

On the contrary, inamin ng aktor na malaking dusa ang kanyang pagsusuot ng Kidlat costume dahil balde-baldeng pawis ang nawawala sa kanya.”Depending on what time you do the fight scene but I can lose five to ten pounds of water.It’s kinda hard but how many times in your life can you put on a costume and be a superhero.”

Exactly!

JC AT DANITA, MAGSYOTA ULI?

MATAGAL nang nabalita na hiwalay na sina JC de Vera at Danica Paner kaya nang nakita namin silang dalawa sa loob ng Opus Bar sa Resorts World Manila ay medyo nagka-interes kaming alamin ang real score nila.

Kasama ng dalawa sina Carla Humphries, Empoy at ilang kaibigan.Masaya ang lahat lalo na si Carla na walang humpay sa pagsasayaw sa saliw ng heavy rock music.Sa mga hindi nakaaalam, dito nagtipon-tipon ang lahat ng talents at press na naimbita sa Trade Launch ng Kapatid Network.

Lumapit kami sa table ng mga nabanggit na personalidad at sinabayan namin sa pag-indayog sa maharot na musika si Carla.Lumapit sa amin si Empoy at nagkumustahan kami.Aniya,”Kaya kami nandito ngayon ay dahil pinagbati namin sina JC at Danica.Mabuti naman at okey sila at hayan, ang saya nilang nagkukuwentuhan.”

Iba naman ang naging pahayag ni JC tungkol sa pagbabatinila ni Danita, ”Hindi!Walang balikang nangyari.Magkaibigan lang kami.  Hindi kami nagkabalikan.”

Gusto man naming paniwalaan ang pahayag ng aktor ay hindi kami puwedeng magkamali na nagkabalikan sila dahil nakita namin kay Danica habang sumasayaw ay masayang-masaya at kitang-kita sa kislap ng kanyang mga mata na in-love ito.

About hatawtabloid

Scroll To Top