Thursday , 23 May 2013
Breaking News
You are here: Home » Opinion » Demandahan sa Ombudsman; at inobasyon sa BOC kontra tiwali

Demandahan sa Ombudsman; at inobasyon sa BOC kontra tiwali

00 aksyon newANO naman itong napaulat na si dating DENR Secretary na ngayon ay gobernador ng Zamboanga Del Sur na si Antonio Cerilles ay kinasuhan sa Ombudsman dahil sa paglustay ng P800 milyon pondo ng pamahalaan panlalawigan, totoo ba itong akusasyon sa inyo Gob?

Maging ang kanyang maybahay na si 2nd District  Rep. Aurora Cerilles ay isinama sa kaso. Sinabi sa ulat na ipinasok daw nila ang naturang halaga sa kanilang negosyo. Totoo po ba itong akusasyon sa inyo sir at madame?

Ang nagsampa ng reklamo laban sa mag-asawang  Ceriles ay sina Zamboanga del Sur Provincial Budget Officer Rogelio  Montealto; Provincial Accountant Bernadette  Ordoñez; Provincial Treasurer Pedro  Ramirez, Jr., dating former chief of staff nito na sina Ruel  Molina, Tyrone Singgo at former executive assistant on Muslim Affairs Mustapha Piang.

Sa kanilang reklamo base sa ulat, inakusahan nila ang mag-asawa na nakinabang sa ilang pribadong negosyo na pinasok gamit ang pera ng kapitolyo. Aba, bigat yata ng akusasyon laban sa mag-asawang Cerilles ngunit, gaano kaya katotoo ito? Sabi nga ng iba, kapag may ganitong klaseng akusasyon lalo na at ma-lapit na ang halalan…well, that’s it. Politics. No comment tayo maliban sa pagsasabing,  I hope walang kinalaman ang nalalapit na halalan at ang lahat ay nagkataon lang.

Heto pa sir at madame, ang akusasyon daw laban sa inyo base sa mga napaulat.

Totoo po ba ang inaakusa sa inyo na nango-ngomisyon kayo ng 30%  bilang kickback sa mga  produkto na inaangkat  ng kapitolyo sa isang negosyante sa lugar n’yo? Tanong ko na rin ang napaulat tungkol sa inaakusa na kaya raw agad ninyong pinababayaran ang negosyanteng ito o ang establisyemento kompara sa iba pang supplier ng kapitolyo ay dahil daw sa komisyon mula rito?

Hindi lang ito ang akusasyon sa mag-asawang Cerilles kundi mayroon pa at ito ay nakasampa sa Ombudsman.

Gov. Cerilles at Congresswoman Cerilles, ano pong masasabi n’yo sa napaulat na akusasyon sa inyo at ito pa’y ipinarating sa Ombudsman para imbestigahan?

Ano man araw ay puwede niyong ipadala ang inyong panig sa AKSYON AGAD – e mail add ([email protected]) at ito ay ating ilathala po.

***

Kompara sa mga nagdaang namuno ng Bureau of Customs (BOC), ibang-iba talaga si Comm. Ruffy Biazon sa kanila. Prayoridad talaga ng mama na madurog na at mawakasan na ang lahat ng paraan ng red tape o smuggling sa Aduana. Kita naman natin nitong nagdaang taon – siyento por siyentong ipinatupad ni Biazon ang lahat ng kanyang plano laban sa mga ismagler kaya, hayun wala nang nakalulusot na kontrabando sa lahat ng pantalan at paliparan.

Nasaksihan din natin ang magagandang resulta ng kampanya ni Biazon  bunga rin ng walang humpay na suporta ng lahat ng opisyal at kawani ng BOC. Hindi matatawaran ang kanilang mga naharang – bilyon-bilyong halaga ng smuggled rice, milyon-milyong halaga ng iba’t ibang klaseng agri-products at maging ng mga ipinagbabawal na gamot gayundin ng mga armas, baril at bala.

Pero sa kabila ng magagandang trabahong ito, lalo pang pinaigting ni Biazon ang kanyang giyera laban sa mga ismagler. Oo gagawin ni Biazon ang lahat para matiyak na walang makalulusot na kontrabando kahit na katiting.

Hayun, para walang makalulusot ay ipinatupad na ni Biazon ang isa pa sa matagal na niyang plinano – high tech computerization na malaking maitutulong sa pagsupil pa ng smuggling sa Aduana at serbisyo sa publiko.

Sa programang ito ni Biazon ay lalong mapabibilis ang lahat ng transaksyon sa Aduana at hindi na kailangan pang magtungo sa BOC lalo na ang mga broker. Yes, sa ipinatupad ni Biazon na sinimulan na sa Manila International Container Port (MICP) at nakatakda nang simula sa iba pang major ports sa bansa, ang gawin na lamang ng mga may business sa Aduana ay buksan ang website ng BOc o puwede nang makipagtransaksyon sa pamamagitan ng computer.

Sa pamamagitan nito ay wala nang lusot ang mga smuggler dahil ang lahat ng transaksyon ay makikita na sa computer. Hindi lang ismagler ang masusugpo sa programang ito ni Biazon kundi maging ang mga tiwaling opisyal/kawani ng BOC na nakikipagsabwatan sa mga ismagler.

Kaya, inuulit natin ito—sa mga nagpaplanong gumawa ng kailegalan sa Aduana, aba’y tumino na kayo dahil nakakita na kayo ng katapat sa katauhan ni Biazon.

In short, magpakatino na kayo!

About hatawtabloid

Scroll To Top