PAGPAPALIWANAGIN ng Senado ang mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa failure biddings para sa mga kagamitang kailangan para sa 2013 midterm elections.
Batay sa impormasyon, Joint Congressional Oversight Committee ang interesadong malaman ang usapin ng mga sablay na bidding dahil sa posibilidad ng mga panibagong problema.
Naniniwala ang mga senador na mahalagang maipaliwanag ng Comelec kung bakit karamihan sa kanilang pinasok na bidding ay bumagsak.
Inaasahang maitatakda ang pagdinig sa susunod na buwan kapag nakabalik na ang pinuno ng naturang lupon na si Sen. Miriam Defensor-Santiago.
Si Santiago ay dumanas ng mild stroke kamakailan at kasalukuyang nagpapagaling.
L. Basilio
Hataw Tabloid D'yaryo ng bayan
