Kumita pala ang kabang-yaman ng Viva Entertainment ni Vic del Rosario kay Anne Curtis ng kulang-kulang dalawang daang milyong piso o 180 million plus mula sa mga endorsements, movies, shows at sa first ever album nito kahit hindi naman kagandahan ang mga nakapaloob na kanta.
Samantalang si Sarah Geronimo na all-time fovorite ni Boss Vic ay wala pa raw sa kalahati ang na-donate nitong porsiyento sa una mula sa kanyang mga raket nitong nagdaang 2012.
Kaya hindi na tayo nagulat nang bigla na lang nakapirma sa ABS CBN ng panibagong kontrata si Sarah nang wala man lang kahit konting aberya. Dati, bago payagan ni Mang Vic ang talent nitong Pop Princess na pumirma sa Kapamilya network, kung anu-ano pang demand ang hinihingi nito. Nanakot pa nga itong ililipat niya sa TV5 si sarita kapag hindi napagbigyan ang gusto nila. Ngayon, pirma agad!
Anyway, pati pala yung cellphone company na inindorso ni Geronimo ay flopsina. At maging ang musical show nito na Sarah G Live tuwing Linggo ng gabi sa Channel 2 ay bagsak din ang rating. Tinalo pa ng katapat nitong programa ni tabachingching Jessica Soho ng GMA-7.
Kaya ang pihikang puso ni Manong Vic ay napunta kay ‘Ms. Vivig’, este, kay Anne, dahil ito ngayon ang nagpapasok ng malaking kuwarta sa malaking bulsa ng salawal ni bossing.
Aba’y pati mga padulas daw ni Mommy Divine ay balewala na sa produ. Wala raw personalan, trabaho lang. Gayunman, kapag kumita itong bagong project ng magaling na singer kasama ang hunk actor na si John Lloyd Cruz ay baka muling bumalik ang pagmamahal ni Boss Vic sa dalaga.
Magrosaryo kayo mga fans ni Sarah baka sakaling makatulong ito para makabawi ang idolo ninyo na inaalihan na ng malas ang career. Harinawa!
ACTOR LAGING NANGHIHINA DAHIL SA MA-EL NA TV EXECUTIVE
Bago nagtapos ang taong 2012 at nitong first month of 2013 ay sunod-sunod ang pagkakasakit ng actor. Nang dalhin siya sa hospital ay hindi naman matukoy ng doktor kung ano ang kanyang sakit. Kaya ang payo na lamang sa aktor ay magpahinga ito dahil over-fatigue raw ang nakikitang dahilan kung bakit bigla na lang siyang nanghihina at hinihimatay.
Pero bakit pumapayag ang binatang ito na lumaylay ang dila nya sa katatrabaho gayung puwede naman siyang mag-demand ng pahinga?
Sikat siya at bankable star. So, siguradong pakikinggan siya ng prodyuser.
Well, sa isang umpukan, nalaman namin ang dahilan ng sobrang pagod ng may name na aktor. ‘Yung isang TV executive raw ay lagi siyang pinatatawag para sa isang mabilisan o kung minsan ay magdamagang ‘miting’. Masyado raw seloso ang baklitang ehekutibo kaya masyado itong possessive sa gwaping na aktor. Bawal na may ma-link na babae sa huli dahil tiyak na magwawala ang badingding. Kaya huwag kayong magtaka kung walang natitsismis na girlita sa may itsura namang aktor. Kung meron man, tsika-tsika lang ito. Walang seryosuhang involvement. Dahil kapag nakipag-relasyon ang aktor sa iba, tanggal ang lahat ng meron siya ngayon. Baka bumalik siya sa paggawa ng mga cheap na indie film at makipahalikan sa kapwa lalake sa mga eksena.
Giatay!
***
Para sa inyong suhestiyon at komento, mag-text lamang sa #09074582883 o kaya’y mag-email sa [email protected] Maari rin kaming mapakinggan sa Star Na Star sa DWIZ 882khz 2-3 p.m. Lunes hanggang Biyernes. Mabalos!
Hataw Tabloid D'yaryo ng bayan
