Wednesday , 19 June 2013
Breaking News
You are here: Home » News » 535 biktima ng chikunggunya

535 biktima ng chikunggunya

NAKATUTOK ngayon ang Department of Health (DoH-8) sa Villareal, Samar dahil sa lumalalang chikunggunya outbreak sa lugar.

Ito ay matapos na iulat na pitong barangay na ang apektado ng naturang sakit.

Base sa talaan, sinabi ni Bryant Labastida, information officer ng DoH-8, umabot na sa 535 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa sakit na ito.

Agad nanawagan ang DoH sa mga tao lalo na sa Samar na maglinis ng paligid at mag-fogging para mamatay ang mga lamok na nagdadala ng sakit na ito.

Ang chikunggunya fever ay isang uri ng sakit na nakukuha sa kagat ng lamok at ang mga sintomas ay katulad ng mga nakikita sa dengue fever bukod sa pagdurugo.

Beth Julian

About hatawtabloid

Scroll To Top