Thursday , 20 June 2013
Breaking News
You are here: Home » Sports » 4 na teams bakbakan para sa Q’Finals

4 na teams bakbakan para sa Q’Finals

MUST-WIN ang sitwasyong kinalalayan ng apat na koponang sangkot sa magkahiwalay na laban sa 2013 PBA D-League Aspirants Cup ngayong hapon sa The Arena sa San Juan.

Magtutunggali ang Big Chill at Cafe France sa ganap na 2 pm at maghaharap naman ang Boracay Rum at Fruitas sa ganap na 4 pm. Tugis ng apat na teams na ito ang puwesto sa quarterfinals.

Ang Big Chill ay kasosyo ng Jose Rizal University sa ikaapat na puwesto sa likod ng NLEX at Blackwater Sports na nakadiretso na sa semifinals at Cagayan Valley na sigurado na sa twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

Puwedeng makamit ng Big Chill ang twice-to-beat na bentahe sa susunod na round kung matatalo ang JRU sa huling laban  kontra Cebuana Khuillier sa Huwebes.

Sakaling mgwagi kapwa ang Big Chill at JRU at makatabla nila ang Cagayan Valley ay babagasak sa ikalimang puwesto ang Superchargers dahil sa mas mababang quotient.

Kung magtatabla sila sa record na 6-4, ang quotient ay ito: Cagayan Valley – 1.092, JRU – 1.006 at Big Chill – 0.894.

Ang Big Chill ay galing sa back-to-back na kabiguan. Matapos na ilampaso ng Cagayan Valley, 77-59, ang Superchargers ay na-upset ng nangungulelat na Informatics, 94-87.

Umaasa si coach Robert Sison na makakabangon ang Superchargers sa masasaklap na pagkatalong ito. Ang Big Chill ay pinangungnahan nina Terrence Romeo, Alex Nuyles, Mar Villahermosa at Jam Cortes.

Ang Cafe France ay nasa four-way tie kasama ng Boracay Rum, Fruitas at Cebuana Lhuillier sa record na 4-5.

Matapos ipalasap sa NLEX ang kaisaisang kabiguan sa torneo, 66-52 noong Disyembre 11 ay natalo ng tatlong sunod ang Cafe France buhat sa Blackwater (81-60), JRU (66-62) at Boracay Rum (62-58). Kung matatalo ang Bakers mamaya ay tuluyan na silang malalaglag. Kung sakali’y makakasama nilang malaglag ang matatalo sa Boracay Rum-Fruitas game.

About hatawtabloid

Scroll To Top